PART 4: IRRITATED

934 19 0
                                    

PONGGAY POV

After what happened last night lalong nadagdagan ang inis ko kay Maddie. Kasalanan niya kasi kaya kami naparusahan ni ate Ly.

And worst thing is, akala ko kagabi lang yun pero I was wrong. Kasi after ng training kami na namang dalawa ang naatasang magligpit ng mga gamit.

MADDIE: "Ate Ly, bakit kami na naman po? Pwedeng si Trey na lang kasama ko? Iba na lang po."

PONGGAY: "Okay lang po na mag-aayos at maglilinis ako ate Ly, pero pwedeng si Deanna na lang po kasama ko?"

Pakiusap ko sa kanya. Kasi ayoko talaga kasabay si Maddie. Yun nga lang hindi man lang kumibo si ate Ly at hindi man lang kami tinapunan nang tingin. Para siyang walang naririnig.

Then, umalis na ito kasama nang teambesh. Kaya ending dalawa talaga kami mag-aayos. Kailangan ko talaga pagtiyagaan ang pagmumukha ni Ms. sungit.

DEANNA: "Gusto mo bang tulungan na kita?"

Pag-aalok nang tulong ni Deanna medyo nauutal pa siya sa hindi ko malamang dahilan. Lagi siyang ganun pag magkausap kami.

Pero likas talaga siyang mabait at matulungin.

PONGGAY: "Thanks Deanna. Pero huwag na baka mapagalitan ka pa ni ate Ly. Okay lang ako, kaya ko na."

DEANNA: "Are you sure?"

PONGGAY: "Yeah. Okay lang talaga."

DEANNA: "I'll wait for you na lang kung gusto mo."

PONGGAY: "Thanks. Pero huwag na."

DEANNA: "Okay. Sige, mauuna na ako. Dalhin ko na lang mga gamit mo."

PONGGAY: "Thank you."

Then, umalis na ito kasama nina Ria.

"Si Ria na naman, mukhang napapadalas na silang magkasama ni Ria." (Bulong nang isip ko)

Tiningnan ko na lang silang magkasabay na naglakad palabas nang gym. Lumingon pa si Deanna sa akin bago tuluyang nawala sila sa paningin ko. Kaya naiwan ako kasama ni Maddie si gym.

MADDIE: "Tutunganga ka lang ba diyan? Baka naman gusto mo akong tulungan dito?"

Narinig ko na angil ni Ms. Sungit. Wala talagang katulad ang kasungitan niya.

PONGGAY: "Magtatrabaho ako, di mo ako kailangan utusan. Atat ka masyado, excited lang ang peg?!"

Angil ko sa kanya. Paano, hindi makapaghintay. Kung makapagsalita akala mo naman ang dami na niyang nilinis.

MADDIE: "Sus sabihin mo, nagpapalusot ka lang. Puro ka daldal, pero tumatakas ka lang talaga sa trabaho."

PONGGAY: "Kausap ko po si Deanna, kung hindi mo nakita. Alangan naman talikuran ko yung tao at hindi kausapin. Hindi ako bastos kagaya mo."

Inis ko nang sagot sa kanya. Nakakapikon kasi. Nakakairita na rin ang kasungitan niya.

Bigla niya ako binato ng bola, hindi ko napansin kaya sa ulo ko tumama. Hindi naman kalakasan pero nakakainit lang nang ulo kasi wala namang dahilan para batuhin ako.

PONGGAY: "Aray ko, bakit ka nambabato?"

MADDIE: "Ayusin mo yung bola nakakalat. Hindi ko binato, di ka lang talaga nakatingin at tinamaan ka."

Pagpapaliwanag niya na akala mo siya yung tinamaan at galit.

PONGGAY: "Anong hindi? Pwede mo namang pagulungin yung bola eh. Kailangan talaga ibato? Nananadya ka eh."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now