PART 46 - MATCH

856 14 5
                                    

LIZ POV

Katatapos lang namin maghapunan, ito naman kami ngayon, walwalan. Lahat nakapaikot sa bonfire at nakasalampak sa buhanginan.

I am sitting beside Maddie and to my surprise I did enjoy her company simula pa.kaninang morning. Si Jho naman katabi si Ponggay.

May kanya-kanyang hawak na alak at syempre hindi mawawala ang  pulutan na asaran at pikunan. Ang kawawa, si Deanna na pinagkaisahan.

ELLA: "Hey Deanna baby, asan na ang dalawang baby mo kanina na muntik nang mag wrestling match?"

Walang prenong wika ni ate Ella na ginatungan naman ng lahat. Wala pa namang lasing kasi kauumpisa pa lang ng inuman. Sadyang lakas lang makatrip ni ate Ella.

While si Deanna, tiningnan lang siya at nagsmirk.

MICH: "Hoy Wong, huwag ka ngang magsmirk diyan. Sagutin mo ang tanong."

ANA: "Ang haba ng bangs mo kahit wala ka naman bangs. Akalain mo dalawang maganda at sexy pinag-aawayan at pinag-aagawan ka."

GIZELLE: "Nilihim mo pa talaga sa amin yan ah. Walang ganyanan Wong."

MAE: "Oo nga. Sino pala yung girl na kaaway ni Pat kanina?"

LY: "Buti na lang dumating ka. Kung hindi, may masayang wrestling match sana na naganap."

Kaya nagtawanan ang lahat, si Deanna naiiling na lang at natatawa. Pero bago pa siya magsalita ay may dumating na katiwala sa resort at tinawag siya.

GUY: "Ahmmm. Excuse me po. Maam Deanna hanap daw po kayo ni Sir. Need ka daw po niya makausap ngayon na."

Tahimik lang kaming nakikinig at nakatingin sa dalawa.

"Kakilala siya ng katiwala dito? Bakit maam Deanna ang tawag sa kanya? At sino naman yung sir na tinutukoy nito?" (tanong ng isip ko)

DEANNA: "Sige po Mang Andres. Susunod na lang po ako."

Umalis na yung matandang katiwala. Hindi na kami nakapagtanong kay Deanna kasi tumayo na siya agad at umalis na rin.

Naputol lang ako sa malalim na pag-iisip ng inabutan ako ni Maddie ng panibagong bote ng alak.

MADDIE: "Here, wala ng laman yan. Akin na."

LIZ: "Ako na, nakakahiya." (pag-awat ko sa kanya)

MADDIE: "Ako na nga. Kulit eh."

Kaya inabot ko sa kanya yung empty bottle. Umalis siya sandalinpero bumalik din agad sa tabi ko.

She opened her phone at ipinakita ang list ng songs niya. Kanina kasi pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga fave songs namin.

I showed her mine, kaso yung kanya kasi naiwan ang phone kaya hindi niya naipakita. So, ngayon niya ipapadinig sa akin.

She take her headset at inilagay sa phone. She gave me the other one at yung isa nilagay niya sa kanyang tenga. Then, pinatugtog niya yung song.

LIZ: "Not bad... Maganda rin naman pala taste mo sa mga songs." (wika ko habang nakikinig sa music)

MADDIE: "Of course. I love listening to music."

Then, inabot niya sakin ang phone.

MADDIE: "See for yourself yung ibang songs."

Kaya ako na nag-operate. Yung ibang songs niya, ay kapareho ng mga fave songs ko. Kaya habang umiinom, nawili ako sa pagplay ng ilang songs.

When I am done, isinaoli ko ang phone sa kanya. And from then on, nagkwentuhan lang kaming dalawa at nagtatawanan.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon