PART 77 - TIME

395 8 4
                                    

BEA POV

Lahat kami ay ipinatawag na bumalik muna ng dorm. Emergency daw kasi at importante. Kaya kailangan lahat ay nandun.

Kakapasok ko lang sa dorm at lahat ng mga nandun na sa sala ay seryoso ang mga mukha pero bakas din sa mga ito ang pagtataka.

And looking at them right now, lahat kami pareho ang laman ng isip.  "Anong meron?" Though, apart of me have an idea na may kinalaman na naman ito sa banta sa buhay ng team members.

Habang papunta sa sala ay iginagala ko ang aking mga mata sa loob, pero hindi mahagilap ng mata ko si Jia. Hindi kami magkasama maghapon kasi ang sabi niya ay uuwi siya sa kanila today. Kahit nga magpahatid ayaw niya.

BEA: "Where is Jia?"

Nagtataka kong tanong, pero lahat sila ay nagkibit balikat lang at nagtinginan sa isat-isa. Kaya naman kinuha ko ang phone at tinawagan siya. Para malaman ko kung nasa kanila pa rin ba siya.

Sa kasamaang palad out of coverage. Kaya bigla ako nakaramdam ng kabog sa dibdib. Nagdial ako ulit, hanggang sa nakarami akong dial pero wala pa rin.

BEA: "Hindi ko siya makontak."

Medyo kinakabahan ko nang wika. Kaya napatingin sila sa akin.

BEA: "Please don't give me that kind of look. Lalo lang ako kinakabahan. It's freaking me out."

Kita ko rin ang pagsibol ng kaba sa mga mata nila. No, not another casualty, and definitely not Jia. Not her. Lahat kasi kami andito siya lang yung wala. Tapos hindi ko pa siya makontak.

Bigla tuloy sumakit ang ulo ko. Hindi pa nakatulong na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko ay nanghina ang tuhod ko.

Bago pa ako himatayin sa samo't saring nararamdaman ay bigla nagbukas ang pinto at iniluwa si Jia. Kaya napatakbo ako sa direksiyon niya at agad siya niyakap.

Si Jia gulat sa naging reaksiyon ko pero hinayaan lang niya ako. Para akong naiiyak, buti na lang nandito siya at walang masamang nangyari sa kanya.

After yakapin, I cupped her face and kiss her in the lips. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Pero agad ko rin naman pinutol ang halik. Parang naglahong bula lahat ng pangamba ko.

JIA: "Pumaparaan ka De Leon. Mahiya ka nga, pinapanuod tayo ng team. Pambihira ka talaga."

Angil niya sa akin sabay palo sa braso ko. Pero ininda ko na lang ang ginawa niya.

BEA: "Akala ko kasi ay kung may masamang nangyari na sayo eh. I've been calling you so many times but you are not answering the call. Saan ka ba galing? Bakit hindi kita makontak?"

Pagpapaliwanag ko sa kanya at sunod sunod na tanong ko.

JIA: "Oh, tumawag ka? Bakit? Lowbat ang phone ko nung papunta na ako rito."

Wala sa loob na sagot niya. Parang wala lang sa kanya samantalang ako halos himatayin na sa nerbiyos.

Naglakad siya papunta sa sala kung nasaan ang mga kasamahan namin. Nawala na rin ang pangamba sa mga mukha nila.

BEA: "I will buy you another one. Para kahit malowbat ay may isa ka pang phone. So that I can call you anytime. Wala ka man lang bang dalang powerbank?

JIA: "Naiwan ko sa room. Akala ko nasa bag naiwan pala sa bed."

BEA: "Next time before you go out you check your phone and your powerbank as well. But I will definitely buy you another phone."

Panenermon ko sa kanya habang naglalakad. Nakakastress kasi. Pero siningkitan niya ako ng tingin. Ang sungit sungit niya, nagmamahal lang naman ako.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon