PART 80 - TEARS

412 9 2
                                    

AUTHORS POV

Three days have gone by mula nang mawala si Jia. And the team had no idea at all ano na ba ang balita about her. Even Bea is getting frustrated and stressed out because Jia is still missing.

Kaya hindi muna siya pinapasok ng mga magulang niya at pinauwi muna sa bahay nila. Pinatigil din muna yung team trainings. Kaya kanya kanya kaming paraan paano mag exercise aa dorm.

For three days, nakakulong lang sila sa dorm. And for three days, si Bea ay lagi na lang nagkukulong sa room at hindi lumalabas. At times ay hindi rin siya kumakain.

As time passes by, nagiging visible na sa lahat ang epekto ng pagkakawala ni Jia. Andun yung pangungulila at higit sa lahat yung takot kung ano ang nangyari sa kanya.

Lalong sumidhi ang takot nila dahil lahat sila ay nasa sala ngayon at ipinatawag.

COACH S: "Alam kong nag-aalala kayo sa mga nangyari lalo na sa pagkawala ni Jia. Lahat naman ay nababahala para sa kanya. At alam ko na nagtataka kayo kung bakit kayo pinatawag ngayon."

Malumanay na wika niya sa mga kaharap. Pero bakas sa mukha niya ang pagkaseryoso.

COACH S: "We just want to let you know na nakita na si Jia. Natagpuan siya kagabi."

Lahat sila sumibol ang mga tuwa knowing na nakita na ang kanilang kaibigan.

COACH S: "Kaya lang..."

Kaya lahat ay napatingin sa kanya at naging panandalian lang ang kanilang tuwa.

COACH S: "Kaya lang... Nasa ICU pa rin siya ngayon since last night at malubha ang lagay."

Nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Yung panandaliang tuwa ay napalitan  na naman ng panibagong pangamba at takot.

LY: "Bakit po siya nasa ICU coach? Bakit po malubha ang lagay niya?"

Umiiyak na wika niya at pinipilit na magsalita. Lahat sila ay pinipilit ang sarili na huwag maiyak. Kaya lang kusa talagang tumutulo.

For three days na sobrang stress sila dahil nawawala si Jia and now na nahanap na nga ang kaibigan ay nasa critical naman ito na condition. Halong mga emosyon na ang nararamdaman ng bawat isa.

COACH S: "Jia was kidnapped. Then, last night nalaman ang hideout kung saan dinala si Jia. Nagkaroon ng putukan. Nang makita si Jia, marami na siyang tama ng bala sa katawan."

Napipiyok na paliwanag niya sa mga ito. Even until now ay hindi rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Namayani ang katahimikan at mga hikbi lamang ang naririnig.

DEN: "Nahuli po ba yung mga..."

Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin. Naghahalo ang emosyon niya sa mga narinig. Andun yung takot para kay Jia at galit sa mga taong may gawa nun sa kanya.

Halos mga nakakuyom ang kanilang mga kamay. Ang hirap para sa kanila na tanggapin na wala silang magawa para sa kaibigan.

COACH S: "May mga iilan na nahuli at nagsalita na sila kung bakit kinidnap si Jia. Ang totoo niyan humingi sila ng ransom sa family ni Bea kaya natukoy ang hideout."

MADZ: "Bakit po sa family ni Bea?"

COACH S: "Masyadong magulo ang lahat. Kapag malinaw na ang mga pangyayari, tsaka namin ipapaalam sa inyo. Sa ngayon, ang mahalaga ay ang kalagayan ni Jia. Kailangan natin siyang ipagdasal."

ELLA: "Alam na po ba ni Bea ang nangyari?"

Wika niya habang pinapahid ang luha sa mga mata. Pero napapalitan lang ito ng panibagong pagluha niya.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now