PART 24 - PUNISHMENT

791 16 2
                                    

MADDIE POV

I am bored to death right now. Andito ako sa sala nakaupo at walang magawa. Ang pangit ng mga palabas sa TV wala akong magustuhan. Busy naman ang mga teammates ko kaya walang makausap.

Si Bea naman ay may toyo parin mula pa kahapon. Kaya iniiwasan ko na munang makausap, baka kasi pati ako ay mapag-initan niya nang ulo.

After niya magising at lumabas ng hospital, mainitin na ang ulo niya. Ang laki ng pinagbago niya. Parang lagi siya iritable though sobrang clingy din naman niya.

Kaya minabuti kong huwag na lang muna siya gambalain. At ganun din naman ito, hindi rin naman niya ako kinulit today.

Kaya ako ito, mamamatay na sa inip at walang magawa sa buhay. Kaya naghanap ako nang magasin na pwedeng basahin. 

Sakto naman na nakita ko si Ponggay maingay na pababa sa hagdan. Galing ito sa room.

"Hmmmm... Good thing andito siya... Mukhang tapos na siya sa gawain niya. I need some entertainment."
(sabi ng isip ko)

MADDIE: "Hoy Ponggay maingay. Halika nga rito."

PONGS: "Hoy ka din. Makautos ka wagas. Anong akala mo sa akin katulong sa dorm. Bahala ka sa buhay mo."

Pagtataray niya sa akin at salubong pa ang mga kilay.

"Aba naman, kung makasagot yung maingay. Mukhang may nakakalimot dito ah." (wika ko sa sarili)

MADDIE: "Oo katulong ka talaga. Katulong kita. Mukhang nakakalimot ka na ata."

PONGS: "Hindi ko alam yang pinagsasabi mo. Katulong mo mukha mo."

Pagtataray na naman niya.

MADDIE: "Pwes ipapa-alala ko sayo. Isa kang talunan, remember?!"

Yung matapang niyang mukha kanina lang ay napalitan na nang pagngiwi. Malamang naalala na niya ang tungkol sa pustahan.

PONGS: "Sxxt. Ngayon ba simula nun. Di ba next week pa yun?"

Pagdadahilan niya.

MADDIE: "Huwag kang ano diyan. And for your first punishment, massage mo yung paa ko. Masakit yung paa ko eh."

PONGS: "Maya na, may gagawin pa ako. Hilotin mo muna mag-isa."

Sabay talikod at maglalakad sana papuntang kitchen.

MADDIE: "Hihilotin mo, oh gagawin kong isang buwan ang parusa mo?"

Dali-dali siyang pumunta sa pwesto ko at umupo malapit sa paa ko. Then, nagsimula na siyang mag massage. Kaya ngumisi ako sa kanya.

PONGS: "Dxxn you."

Sabay irap sa akin habang hinilot ang mga paa ko.

MADDIE: "I love you too."

Sabay tawa sa kanya. Pero sinamaan lang ako ng tingin.

Nung una maganda pa ang paghilot niya pero kalaunan ay pinipisil na niya ng todo. Sinasadya atang diinan ang paghilot.

MADDIE: "Sige lakasan mo pa, para naman magkaroon ako ng dahilan para masipa kita."

PONGS: "Ikaw na nga itong hinihilot, puro ka pa reklamo."

MADDIE: "Hindi naman hilot ang ginagawa mo sa paa ko eh. Mas mukha ngang pinipilayan mo pa ata ako."

PONGS: "Kapag hindi ka pa tumigil kakareklamo diyan, pipilayan na talaga kita."

MADDIE: "Subukan mo lang. Pati yang nguso mo pipilayan ko."

Hindi na siya sumagot pero bumelat naman sa akin.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon