PART 12 - HEALS

872 22 4
                                    

MADDIE POV

Katatapos lang nang training namin, we are now at the sala. Katatapos lang din naming masaksihan ang nangyaring kaguluhan sa tapat ng gym.

I pitied Ponggay, seeing her expression, I know she is still hurting. She was just quiet and go directly to her room pagdating namin ng dorm. Hindi na nga siya bumaba pa para sa dinner.

Yung iba naman ay hindi na rin bumaba pa para kumain. Actually wala nang kumain pa nang dinner. Lahat ata nagpalamig ng ulo at nawalan na nang gana.

Pero si Bea, wala ata sa vocabulary niya ang salitang magpalamig ng ulo. Kasi hanggang ngayon ay nagwawala parin siya at nagpupuyos sa galit kay Basti.

Nandito din si Bea sa sala kasama ko, si Jia, si ate Ella, si Liz, at si Jho. Pilit siya pinapakalma at inaawat ni Jia, pero galit talaga siya.

BEA: "Dxxn him, ang kapal ng mukha niya talaga."

Nangigigil na inis ni Bea at nakakuyom ang kamao.

JIA: "Calm down. Wala na yung tao dito. Wala na magagawa yang galit mo. Hi di ka na niya maririnig."

Mahinahong pagpapaliwanag ni Jia para lang tumigil ito.

BEA: "I'm not yet done with him. He better pray na hindi mag cross ang landas naming dalawa."

Salubong ang kilay na wika ni Bea.

JIA: "Boo, huwag ka ngang ganyan. Mamaya mapahamak ka pa niyan eh. You already hit him kanina sa tapat ng gym, and you hit him hard. That's enough already."

BEA: "Ayoko, hindi pa sapat yun. Kulang pa yun."

Nakaupo na si Bea sa sofa pero ayaw niya parin paawat sa pagsasalita.

JIA: "I know you are mad. And we are as mad as you are. But you have to realize also, na kapag itinuloy mo yan at nagkagulo mapapahamak ang buong team."

Umupo sa tabi niya si Jia and looking at her. She was trying her best to be patient with Bea.

BEA: "I just felt bad, Ponggay was hurt. And it's all his fault."

She is shaking her head, she really felt hurt for Ponggay. And I totally understand her feelings. Because I feel the same way to.

JIA: "Andun na tayo, may ginawa siyang mali. Kaya lang wala tayo magagawa dun."

Grabe si Jia, ang haba ng pasensiya niya. Well, she is always the calm and collected among the group.

BEA: "May magagawa ako, wawasakin ko mukha niya. Manghiram siya ng mukha sa aso."

Nang-gigigil na namang wika ni Bea. Napailing ako sa kanya at napangiti sa inakto niya. Pero, biglang natawa si ate Ella.

ELLA: "Hahahaha... Sa ugali niya at sa gagawin mo sa mukha niya, malamang Bey, pati yung aso ayaw na magpahiram pa ng mukha sa kanya."

Kaya natawa na kami sa sinabi ni ate Ella. Pero si Bea ayaw talaga paawat.

BEA: "Wala akong pakialam kung wala siya mahihiraman ng mukha. Basta, sasaktan ko talaga siya."

JHO: "Katigas ng ulo, makinig ka nga kay Jia. Maya instead na maayos yung problema ni Ponggay, ay lalo pang madadagdagan ang problema dahil diyan sa gagawin mo."

Hindi na napigilan pa ni Jho ang sarili, kaya nakisali na siya sa pag-awat kay Bea.

LIZ: "May point ka naman Jho. Pero mas maganda kung babasagin muna natin yung mukha niya. Bxxxxxd. Dapat sa kanya, binabasag ang mukha."

Biglang galit na wika naman ni Liz habang nakaupo katabi ni Jho kaya napalingon kaming lahat sa kanya. At napailing na lang si Jho ng marinig si Liz. Paano, mainit din ulo kay Basti. Kaya sinamaan na lang niya ng tingin.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora