PART 87 - REASONS

945 22 46
                                    

MADDIE POV

MADDIE: "Pwede ba kitang makausap?"

Dalawa lang kami ni Pongs ngayon sa dorm. Sabay kasi na wala kaming klase kapag Friday.

PONGS: "Tungkol saan?"

Walang kabuhay buhay niyang sagot habang nagtutupi ng gamit niya.

MADDIE: "Tungkol sa atin?"

Tiningnan niya ako. I need to know her reasons about the way she acts about us.

PONGS: "Meganun ba?"

Sarcastic niyang sagot. Bakit sa paraan ng pakikitungo niya parang ako pa ang may kasalanan?

MADDIE: "Galit ka ba sakin?"

PONGS: "Bakit mo natanong?"

MADDIE: "Iniiwasan mo ako."

Napatigil siya sa pagtutupi.

PONGS: "Ako? Ako ang umiiwas? Baka gusto mong itanong yan sa sarili mo."

Parang kasalanan ko nga. Iba ang timpla ng boses niya eh.

MADDIE: "Bakit ako? Ikaw nga itong hindi namamansin at hindi ako kinikibo."

Wika ko sa kanya.

PONGS: "Anong ako? Mula nung dumating ako never mo na ako kinausap. Well, technically, bago pa pala dumating."

Ganting akusa niya sa akin.

MADDIE: "Kaya lang naman hindi kita pinapansin kasi hindi ka rin namamansin. Akala ko galit ka kaya hindi mo ako kinakausap."

Pagpapaliwanag ko sa kanya ng saloobin ko.

PONGS: "So, kasalanan ko pa? Ni hindi mo nga ako chinachat or tinitext. Nung dumating ako sa airport never mo akong nilapitan pero yung ate ko niyakap mo pa."

Natameme ako dun. Yung sa airport, iba naman kasi yun. Nasaktan ako, pero hindi ko pwedeng sabihin.

PONGS: "Few days bago kami umuwi, hindi ka na nagchat pero nakakachat mo parin ang ate ko. Tapos sa airport bakit hindi mo ako nilapitan? Akala ko ba okay na tayo? Or baka kasi hanggang ngayon ay galit ka pa rin dahil sa pag-amin ko noon. Kung yun ang ikinasama ng loob mo, I'm sorry. Hindi ko naman sinadya na magustuhan ka noon."

Mahabang litanya niya. Sabandang iyon, may karapatan nga siyang magtampo. Pero may dahilan ako kung bakit hindi ko siya kinausap.

Yung bago sila umuwi, ay dahil gusto ko siyang sopresahin kaya lang ako yung nasorpresa.

PONGS: "Tapos ngayon tatanungin mo ako bakit hindi kita kinakausap! Ako nga dapat ang magtanong sayo nun. Pero kung yan ang gusto mo, okay fine. Hindi na kita lalapitan o kakausapin man lang."

MADDIE: "May dahilan ako kung bakit hindi kita nagawang kausapin."

PONGS: "And what good reasons do you have? Enough reason ba yung dahil nagustuhan kita noon? Pero noon pa yun."

MADDIE: "Si Kobe."

Bigla siya napatayo at tumingin sa akin.

PONGS: "Dahil hindi ko nasabi sayo na kami na? Is that enough reason para iwasan mo ako at hindi man lang kausapin?"

MADDIE: "Oo."

Matipid kong sagot sa kanya.

PONGS: "Ang labo mo. Samantalang ikaw hindi rin naman nagsabi sa akin ng tungkol sa inyo ni Zolo."

MADDIE: "Ano naman ang kay Zolo? Kilala mo siya?"

PONGS: "Di ba nga nililigawan ka niya? Pero wala ka naman sinasabi sa akin about him. Tapos yung kay Kobe sasabihin mo enough nang reason para magtatampo ka. Ang labo mo talaga."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now