PART 86 - NEW

482 14 4
                                    

MADDIE POV

ELLA: "Oy, kayong dalawa bakit lagi na lang namin kayo nakikita na magkasama at magkausap, tapos magkatabi pa. Anong meron?"

Tanong bigla ni ate Ella habang nagpapalipas ng oras ang lahat sa sala. Then, nagkatinginan kaming dalawa ni Jho at ngumiti. Magkatabi kami sa upuan.

JHO: "Oo na. Aamin na kami. Kami na ni Madz."

Kalmadong pag-amin ni Jho. And their jaw just dropped open. Biglang natigil ang lahat at natameme muna panandalian.

LIZ: "Magjowa kayo? Ang panget niyong magjowa. Hindi kayo bagay."

Gulat na wika niya na hindi makapaniwala. Tapos biglang tayo siya sabay alis, kaya lahat kami ay nagkatinginan sabay tingin kay Liz na paakyat ng room. Mas hindi kami makapaniwala sa reaksiyon niya.

MICH: "Anyare dun?!"

Nagtataka paring tanong niya. Kanina lang kasi ay maganda ang mood ni Liz, nakipagkulitan pa nga eh. Tapos all of a sudden, mainit na ang ulo.

ELLA: "Hindi ka pa nasanay sa isang yan. Ipinaglihi yan sa init ng ulo kaya araw-araw may regla siya. Kaya ganyan ang bilis magbago ng mood."

Kaya nagkatawanan ang lahat.

TREY: "Teka lang twinnie, ano yang pinagsasabi ni Jhoanna na kayo na? Nakakatampo ah, wala ka namang kinikwento sa akin."

Kunyaring may pagtampo na tanong niya at nakapamewang pa na nakaharap sa akin.

MADZ: "Ano ba ang hindi mo maintindihan dun twinnie? Kami na nga ni Jho. Ikaw eh, busy ka kasi sa paghahanap ng ipapalit kay Rex kaya hindi na kita nakakausap."

Pang-aasar ko sa kanya.

TREY: "Pwede ba, pakiban ang pagbanggit ng pangalan ng isang yun."

Pagtataray niya at inirapan pa ako.

MAE: "Kelan pa?"

Interesadong tanong niya at nakaharap kay Jho.

JHO: "Last week."

Matipid na sagot niya na parang normal lang at walang masyadong espesyal.

ELLA: "Yun ba yung nagpaiwan kayong dalawa sa may gym after ng training?"

Biglang bulalas niya ng may maalala siya.

MADZ: "Yun na nga po."

BEA: "Kaya pala nagpaiwan, gumawa ng milagro. Hahahaha. Ay iba kayong dalawa."

Two weeks na kaming nagtraining na kumpleto ang team. Two weeks na rin ang nakalipas mula ng dumating sina Bea at Jia sa dorm.

JHO: "Hindi naman kasi kami katulad niyong magboo na kahit saan na lang nagmimilagro. Shy type kami eh."

Bumusangot si Jia at binato si Jho ng unan.

JHO: "Totoo naman sinasabi ko. Di ba Bea?"

Pero si Bea dedma lang na parang walang narinig. Magaling talaga sa dedmahan itong si De Leon.

DEANNA: "May point naman po si ate Jho."

Kaya nagkatawanan ang lahat maliban kay Jia. Sinamaan pa niya ng tingin si Deanna.

DEN: "Kung hindi pa pala kami nagtanong, wala pa kayong balak na magsabi! Kakatampo kayo ah."

JHO: "Balak kasi namin ate Den na lowkey lang po. Tsaka nakakahiya naman kong ipagkalat sa lahat."

ELLA: "Nahiya daw, baka mamaya ay magboo 2.0 kayo at dito rin sa sofa magkakalat ng lagim."

JIA: "Bakit ba kami na lang lagi ni Bea ang nakikita niyo?"

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon