PART 76 - AFRAID

433 11 8
                                    

MADS POV

Bakit si Ponggay?"

Yan ang katagang namutawi sa mga bibig ni Jia.

"Bakit nga ba?" (yan din ang naging tanong ko sa aking sarili)

MADZ: "Ewan ko. Hindi ko alam."

Naguguluhang wika ko sa kanilang tatlo.

BEA: "Hahahaha. Gusto mo nga. Hindi mo maipaliwanag eh."

Natatawa pang sagot niya.

MADZ: "Ganun ba yun?"

Hindi ako sigurado kung tama ba yun o hindi.

JIA: "Parang ganun na nga."

MADZ: "Sabagay. Ikaw nga minahal mo si Bea, kahit mahirap siyang intindihin."

Wika ko kay Jia at napangiti siya.

BEA: "Hoy Madayag grabe ka sa akin. Kung makapagsalita ka parang hindi ka nagkagusto sakin dati ah."

Maktol niya sa tabi ni Jia. Humaba nguso niya.

MADZ: "Yun na nga eh. Akalain mo nagustuhan kita. Di ko lubos maisip paano ako naglagusto sayo. Mahilig talaga ata ako sa mga weirdo."

Biglang tumawa ng malakas si ate Ella samantalang si Bea sumimangot.

BEA: "Aba'y taranxxxxxx to. Gusto mo nang away?! Halika rito nang masapak kita."

Itinaas pa ang magkabilang sleeves ng shirt niya. Nanghamon pa talaga na makipag-away. Baka nakakalimutan niya mas malaki ako sa kanya.

JIA: "Tumigil ka nga diyan."

Angil ni Jia sa kanya at hinatak na siya paupo. Kaya wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa pwesto niya kanina.

ELLA: "Kelan pa?"

Biglang tanong ni ate Ella. Hindi alintana ang batuhan namin ng salita ni Bea. Sabagay sanay naman na siya sa mga ganyang eksena sa dorm.

Madalas nga siya pasimuno ng gulo sa dorm. Lagi niyang biktima si ate Ly. Masyado kasi mabait si ate Ly at hindi mapanakit.

MADZ: "Hindi ko po alam."

Tipid na sagot ko sa kanya. Though, hindi ko rin kasi alam kumg kelan nagsimula. Tsaka hindi ko na rin naisip ang bagay na yun.

BEA: "Puro ka naman hindi ko alam at ewan. Ano na lang ang alam mo?"

Angil na naman ni Bea. May buwanang dalaw ata ito ngayon. Mainit amg ulo.

MADZ: "Ang alam ko baliw ka."

Ganting sagot ko sa kanya.

JIA: "Ano ba, hindi ba kayo titigil dalawa? Ayan na naman kayo eh."

Pag-awat ni Jia at pinalo pa si Bea sa balikat.

BEA: "Aray. Bakit ako pinapalo mo? Dapat si Madz eh. Siya tong nakakainis."

Pero inirapan lang siya ni Jia. Lakas mangaway ni Bea pero kapag si Jia hindi siya umuobra.

JIA: "Alam ba ni Ponggay?"

Mariin niya akong tinitingnan. Pero umiling lang ako bilang tugon.

ELLA: "May balak ka bang sabihin sa kanya?"

Dagdag tanong niya at mukhang interesado rin ang dalawang magjowa na malaman. Nakatingin din kasi sila sa akin.

MADZ: "Hindi ko naiisip. Natatakot kasi ako. I am afraid to tell her.."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Where stories live. Discover now