PART 3. CRUSH

1K 18 1
                                    

PONGGAY POV

It has been more than months that I joined the ateneo volleyball team. Sobrang nakakapagod pala talaga ang mga trainings ni Coach Tai, isa siyang dakilang pahirap.

It has been so long, na rin na sinusungitan ako nang panget at masungit na twinnie nang ate Trey ko.

Just like now, tinatarayan na naman niya ako nang walang humpay. Mukhang kaligayahan niya talaga atang awayin ako. Maybe her day would not be complete without me.

MADDIE: "Hoy baliw, ayusin mo nga yang gamit mo dito. Nakakalat kung saan saan. Burara ka talaga."

Nagtataray na naman siya at gamit ko ang napag-initan.

PONGGAY: "Kung gusto mo, linisin mo. Burara na kong burara ikaw naman si bunganga. Aga-aga ang sungit mo. Inaano ka ba nang gamit ko?"

MADDIE: "Paano po, nakakalat at nakaharang sa daanan yang towel mo."

Bigla niya ito pinulot at ibinato sa mukha ko. Hindi ko napaghandaan kaya sa mukha ko dumiretso yung towel.

PONGGAY: "Walang hiya ka. Kailangan talaga ibato Yrenea? Pwede namang iaabot ah."

MADDIE: "Ayaw mo kasi pulutin. Pasalamat ka nga ibinigay pa sayo eh. Dapat nga diyan pinapangpunas na lang sa floor."

PONGGAY: "Wow ah, I'm so flattered. Ang bait mo talaga Madeleine Yrenea Madayag. Thank you ah, I'm so honored."

MADDIE: "Tskkk. No big deal. Maliit na bagay."

PONGGAY: "Bwisit. Bwisit ka. Bwisit ka talaga sa buhay ko."

Naiinis kong wika sa kanya. Bwisit talaga siya sa buhay ko. Pero parang wala siyang narinig sa huling sinabi ko.

"May araw ka din talaga sa aking Yrenea na sungit ka. Maghintay ka lang, makakaganti ako sayo sa mga kasungitan mo at kagaspangan nang ugali mo sa akin." (nanggigigil kong usual sa sarili ko.)

Paano gustong-gusto ko na talaga siyang daganan at sapakin. Nakakapikon na kasi eh. Wala naman ako ginagawa sa kanya para lagi na lang ako sungitan.

Baka nga tama yung mga teammates namin, 'She wants my attention'. Pero yuck di ko siya bet. Ayoko makasama ang isang pinaglihi sa sama ng loob. Mahawaan pa ako ng kasungitan niya.

Tumahimik na lang ako at hindi na lang siya pinansin. Naglakad na lang ako palapit kay Deanna. At least si Deanna, hindi sinisira ang araw ko.

DEANNA: "Oh what happened to you? Bat ganyan ang nguso mo? Tulisan na naman?"

PONGGAY: "May isang nilalang kasi diyan na trip manira nang araw nang iba."

Nilakasan ko talaga para marinig ni Yrenea, pero nagbingibingihan lang ang bwisit. Dedma ang peg at walang pakialam.

DEANNA: "Maddie again? Bakit ba kasi pinapatulan mo pa? Isa pa mas matanda sayo yun."

PONGGAY: "Eh siya kasi eh, binato ba naman ako nang towel sa mukha. Tama ba naman yun?"

DEANNA: "Tapos na eh, hayaan mo na. Pagpasensiyahan mo na lang."

PONGGAY: "Ganun na lang ba lagi? Ako na lang lagi iintindi. Nakakapikon na siya eh. Ano ba problems niya sa akin? Bat di na lang niya sabihin."

DEANNA: "Maliit na bagay lang yun. Huwag mo na palakihin. Uminom ka na lang para lumamig ang ulo mo."

Buti pa talaga tong si Deanna napakabait na at understanding pa. Pero yung isang sungit walang kabaitan sa katawan.

DEANNA POV

While I was busy fixing my personal things ay bigla na lang lumapit sa akin si BB Pongs at nagmamaktol. Wala namang bago dun, araw-araw may kaangilan siya eh.

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon