PART 60 - WHY

700 14 4
                                    

JHO POV

A month have past simula ng magka amnesia si Liz. And until now, wala pa rin siyang maalala about me and about us. For more than a month na rin na casual lang ang pag-uusap namin. As if I am a stranger to her.

Sa loob ng mga panahong iyon, I become more aware of what she is for me. And each day, I have become so frustrated, for her not recognizing me.

And that frustrations mounted the moment I heard na sila na nga ni Jhonvic. Hindi pa nakatulong ang  madalas na naming pagtatalo ni Nico.

Buti na lang ay nailabas ko kay ate Ella ang gulong namamagitan sa amin ni Nico nung nagpunta sa bar ang team.  Napapadalas na ang pagtatalo at pag-aaway naming dalawa.

Si Nico kasi napaka demanding na at nakakapagod at times. Para siyang sirang plaka, paulit-ulit. Kagaya ngayon, mainit na naman ang ulo and I am not in the mood para makipag-away.

Isa pa, I felt really bad kasi nakita si Liz and JhonVic na naghahalikan bago lumabas ng dorm. Kaya magpapalamig sana ako kasi ang sakit sa dibdib.

Yun nga lang nagkasalubong kami ni Nico at nagpumilit na lumabas. Sinabi ko ng wala ako sa mood pero nagalit kaya para walang gulo sumama na lang ako.

Sa kasamaang palad ito nagtatalo na naman kami pagkahatid sa akin pauwi. Nasa gym kami ngayong dalawa dahil may kailangan akong kunin.

Habang naglalakad nagyayaya siya na mag out of town kami sa weekend kaso wala ako sa mood makipag-usap kaya tahimik lang ako.

NICO: "Lagi na lang ba tayong ganito Jho?"

Kaya napatingin ako sa kanya trying to understand what he was saying. Napatigil siya sa kinatatayuan.

"Ito na naman kami. Pagod na ako sa ganito." (usal ng isip ko)

NICO: "Everytime na kasama kita, parang hindi naman kita kasama. You are physically present but mentally absent. And everytime I ask you what's the matter, lagi mo na lang sasabihin that you are fine, that you are okay. But you are not."

Frustrated nang wika niya.

JHO: "I am sorry. Marami lang talaga akong iniisip. Sabi ko naman sayo, wala ako sa mood today."

NICO: "Why?"

JHO: "Ayoko pag-usapan."

Naiinis kong sagot sa kanya.

NICO: "Ano ba ako sayo Jho? Tell me, meron na bang iba?"

Nag-iba na ang tono ng pananalita niya. Natahimik lang ako at hindi na kumibo. I felt so tired and frustrated, all I wanted now is a peaceful place so I can be alone.

Kaya instead na sagutin siya, hindi na ako kumibo pa. Mabigat na rin kasi sa dibdib, any moment ay pwede na ako bumigay.

NICO: "Meron ba Jho?"

Sigaw na niya. He is out of control already.

JHO: "Oo."

Bilyaw kong balik sa kanya. And he was shocked. Hindi siya nakasalita at halos maiyak siya. And I just cry ng marealize ang sinabi ko. Sobrang bigat na kasi.

JHO: "I am sorry Nico."

NICO: "Sino?"

Mahina niyang wika pero may diin. Ngunit nanatili lang akong tahimik habang kusang umaagos ang mga luha sa pisngi ki.

NICO: "Tell me Jhoanna. Sino?"

This time ay galit ng wika niya.

JHO: "Si Liz."

ALL I EVER NEED (PONGDDIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon