34: Home

4.4K 299 7
                                    

Madaling araw na nakauwi si Serafina mula sa pagbisita sa puntod ng kaibigan niya. Sa bundok pa kasi ito nakalibing kaya naman inabot siya ng ganitong oras.

Inaasahan niyang tulog na ang mga tao sa residence nila kaya hindi niya ineexpect na sa pagbukas niya ng pintuan ay mabubungaran niya ang anak na may kasamang babae sa salas nila.

The room was dimlighted dahil lampara lang ang ginamit ni Sebastian pang-ilaw sa kanila.

"Ma, saan ka galing? I thought you were already sleeping." Tanong sa kanya ni Sebastian when he stood.

Then he looked at the girl beside him na hirap na tumayo. Agad niyang inalalayan ito.

"You don't have to stand."

"I have to greet your mother." Then she faced Serafina na napasinghap when she recognized her.

"Oh, it is you again." Dali dali siyang nilapitan ni Serafina. At doon lang nito natingnan ng maayos ang itsura ng dalaga. "And you are wounded again."

"I am sorry to intrude, Madam."

"No, no. You are most welcome here. And don't call me Madam. Aunty will do."

Hindi naman alam ni Emy kung paanong magrereak dahil doon. Sebastian made her seat again saka binuksan na yung pinakailaw ng sala. Pinatay na rin niya ang lampara.

"Ma, can I ask you to make Emy some food to eat?"

"Your highness, your mother don't have to do that. Mukhang pagod din siya sa byahe."

Serafina smiled. "It's alright, Emy. Minsan lang humingi ng pabor yang si Sebastian so you don't have to worry about it." Saka niya tiningnan ang anak niya. "Go on and treat her wounds. You can use my medicines if you have too."

"Thank you." Saka naupo na si Sebastian sa harap ni Emy na nakatingin lang sa kanya at mukhang nahihiya.

She smiled at her assuringly.

***

"So dito mo ako dinala noon when you helped me." Emy asked Sebastian.

"Actually, I found you sa mismong loob nitong compound namin."

Napatango si Emy. Even for her, that night is in blurry. Hindi niya alam kung paanong sa dinami rami ng backyard na babagsakan niya ay sa compound pa ng binata. Pero okay na rin na ito ang nakasagip sa kanya. Kung iba yun baka matagal na siyang wala.

Tinignan niya ulit si Sebastian. Seryoso ito habang ginagamot ang kabilang braso niya. He just finished plastering her wounds on her right arm bago dumating ang Mama niya.

She took an ice pack saka iyon inilapat sa pisngi niya.

"Your mother is nice."

"She is."

"How come hindi ka nagmana sa kanya?"

Sebastian looked at her and raised an eyebrow. She just chuckled.

"Your family are nice too. But you are nothing like them also." Ganti nito sa kanya.

Inirapan niya lang ito. Sebastian chuckled saka nagpatuloy na sa paggagamot sa kanya.

Siya naman ay tumingin na sa paligid niya.

She was actually surprised that the residence of the fourth wife of the Emperor will be this humble. Napakasimple lang nito kung ikukumpara niya sa residence ng First family.

Madalas siya noon kanila Marco dahil palagi siyang iniimbitahan ng Mama nito. Alam din naman ng Empress na may gusto sa kanya ang anak niya.

Bigla namang umabot sa pang-amoy ni Emy ang niluluto ni Serafina. He stomach immediately made a sound.

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Where stories live. Discover now