3: Ming People

4.3K 239 6
                                    

The next day, maayos na ang pakiramdam ni Emy. They told her na the rest ng byahe ay natulog lang siya habang pinagpapawisan ng marami and muttering incoherently.

And when they arrived at night, hindi siya magising kaya naman they decided to just bring her in the room. Feng almost put an all-nighter though. She was extremely worried about her at kung hindi pa umayos ang lagay niya kalahati ng gabi ay baka nagpatawag na ito ng manggagamot.

Emy was grateful.

Anyway, she also found out na ang bahay na tinutuluyan nila ngayon ay ang ancestray courtyard nila Lie Feng. Malaki ito at malawak pero sa normal na araw ay tanging si General Lie Zhang, papa ni Lie Feng, at ang isa pang apo nito na si Lie Chen ang naroroon.

Kaya madalas ay wala sila doon at nasa barracks sila. Gaya na lang ngayon.

"We have to visit the house of the Chief bilang pagbigay galang. Kaya mo bang makasama, Emy?" Tanong ni Francis.

"Yes, Uncle. I am so much better now. Baka po namahay lang ako nitong dalawang gabi kaya naging ganoon ang pakiramdam ko."

"Great! We'll leave before lunch. Sabi nila ay inaasahan nila na sasaluhan natin sila na maglunch dahil magpapahanda talaga sila."

Tumango silang lahat at agad na kumilos. Shantal and Sabrina wore their normal clothes. Wala pa kasi silang nabibili na pangchinese eh. But since Emy has her own, iyon na ang ginamit niya.

She wore a green traditional chinese dress na may burda ng mga ibon at bulaklak and then her hair was tied in a bun behind. The only accessories she wore is a pearl earrings.

"Wow! You look gorgeous, Emy. I also like to wear one. Sayang at wala akong nabili noon sa Grey." May panghihinayang na sabi ni Shantal.

"You can shop later. Tutal naman ay hindi tayo hahapunin doon sa bahay ng Chief."

As usual, nagliwanag na naman ang mukha ni Shantal as she said the magic word. She was almost skipping papunta sa great hall.

When they arrived there, andoon na rin ang iba at hinihintay sila.

"Uncle Shin, Aunt Shelly, the chinese dress suits you." Puri ni Emy sa dalawa.

Napakamot naman sa ulo niya si Shin. "Talaga ba? Kinakabahan ako dahil baka hindi ko mapanindigan eh. Lalo na at kay Franco itong damit." Sabay tawa.

Hindi kasi magkasing katawan si Francis at Shin. Francis is bulky at si Shin naman ay lanky. Habang si Franco naman ay normal ang katawan para sa isang binata kaya safe lang na ang kanya ang gamitin ni Shin.

After ng purihan at biruan ay umalis na din sila.

Sammy stayed beside Emy. Samantha is normally not that good with kids at mukhang ganoon din si Emy kaya naman nagtataka siya kung bakit dikit ng dikit sa kanya ang bata.

In fact, he has been holding her hand magmula pa ng pag-alis nila sa bahay.

***

"Sammy, bakit kapit na kapit ka kay Emy?" Tanong ni Franco dito ng pagbaba nila ng carriage ay agad itong lumapit sa kanya.

"I need to protect Emy."

"Eeehhh???!!! At kelan ka pa nagkaheroic sense, ha?" Manghang tanong ni Shantal.

Nagtawanan naman ang mga matatanda.

"Iwan mo na sa amin iyang si Sammy at sasanayin ko yan maging mahusay na mandirigma." Sabi ni Francis habang natatawa.

"May tagapagmana ka na, Francis. Leave my son alone. Iisa na nga lang yan eh." Naiiling naman na sabi ni Shin.

Natawa na lang sila Shelly at Feng sa mga asawa nila.

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon