36: Restless

4.5K 287 21
                                    

Emy was very busy on the next day. She was busy trying to make Franco and Shantal leave her alone since they had been following her magmula ng magising siya kinabukasan.

She's actually surprised at naririto ang buong pamilya ni Uncle Shin. It turned out, Winter vacation na nila. And they are going to spend a month and half kasama nila.

However, may tatlong linggo pa sila Emy na pasok sa Grey Academy. At dahil injured pa siya ay hindi na muna siya pinapasok ng isang linggo nila Francis.

***

Diana, however, was feeling troubled. Inaasahan niyang perpekto ang plano nila Cherry at Kelly. After all, she was the one who came up with that plan.

Pero hindi niya inaasahang makakatakas ang dalaga. At ang matindi pa doon, it was Madam Serafina who saved her.

Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit bigla bigla na lang nagdesisyon ang magkapatid na ilabas na ng city si Emy noong gabing iyon. Sinabihan niya ang mga ito na maghintay muna ng ilang araw eh.

And now, both of them are missing too.

That made Diana felt something is not right.

Bukod pa doon, Emy saw her. Alam niya na siya ang nag-udyok sa magkapatid para kidnappin siya. At inamin niya rin dito na dahil iyon kay Lucy.

She's restless dahil doon.

***

It was not just Diana who was restless. Emy was feeling the same too.

Magmula noong bumalik siya sa Hans residence ay iisang beses pa lang siyang pinuntahan ni Sebastian at yun ay nung unang gabi lang.

She wonders kung ano ng nangyari dito? Lalo na at sinabi nito sa kanya na pag-uusapan nila ang tungkol sa magiging parusa nila Cherry at Kelly.

Nangangati na siyang gantihan ang mga ito lalo pa ang at hindi niya makalimutan lahat ng mga pananakit na ginawa nila sa kanya.

"Red..." Agad na lumapit sa kanya ang guard niya isang araw habang nakaupo siya sa labas ng kwarto niya. Mapayapa ang mundo niya ngayon dahil namamasyal sa labas sila Shantal kasama si Franco.

"Yes, Miss?"

"Sinong boss mo? Si Calix o ang Fifth Prince?"

Nagulat sa tanong niya ito pero agad din siyang sumagot. "Ang Fifth Prince po."

"Do you know where is he?"

Sandaling nag-isip ito saka sumagot. "Miss, ang alam ko lang po ay may mission siyang ginagawa ngayon sa labas ng Grey City."

Anika was just silently listening at Emy and Red. But she can't help her lips hooking up secretly. Could it be that her Miss is missing the Fifth Prince?

***

The next day, bisita naman ni Emy si Lucy. The lady is very sorry to her. Kahit ilang beses na niya itong sinabihan na hindi niya iyon kasalanan ay malungkot pa rin ito.

Hindi na niya sinabi dito na si Diana ang pasimuno sa pagdukot sa kanya. Mas lalo lang magguilty ito.

Sakto namang dumating na sila Franco. Galing na naman ang mga ito sa bayan at hinapon na sila ulit.

Si Lucy naman ay biglang nagstiffened na napuna naman agad ni Emy.

"Kamusta?" Tanong niya sa mga bagong dating.

"Mabuti naman." Masayang sabi ni Shantal. Mukha nga eh. Sa dami ng shopping bags na bitbit nila, ewan na lang ni Emy kung hindi pa ito masiyahan ng husto.

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Where stories live. Discover now