35: Home 2

4.4K 321 33
                                    

Nasa great hall sila Shin, Francis, Shelly at Feng habang pinag-uusapan nila ang susunod nilang gagawin upang mahanap si Emy. Pang-apat na araw na ngayon. And they are already feeling depressed because of it.

Hindi nila maisip kung ano ng nangyari kay Emy. Nanlulumo sila kapag naiisip nila na baka kung ano ng ginawa ng kidnapper niya sa kanya.

That day, biglang pumasok sa great hall ang isang tauhan nila saka ito taranta na lumapit sa kanila.

"Masters, Madams, si Miss Emy po, nasa labas..."

Wala ng isip isip pa ay nagmadali silang magpunta sa may labas ng compound nila. At doon nga nila nakita ang isang magarang carriage. Mula doon ay bumaba si Emy.

"Emy!" Hindi napigilan ni Feng ang mapatakbo sa dalaga ng tuluyan na itong makababa. Niyakap niya ang dalaga pero agad din niya itong binitawan as soon as she heard her groan.

Nanginginig ang kamay niya hinawakan ang pisngi nitong mamula mula pa at ang leeg nitong may dalawang benda.

"Oh my God..."

"I am okay, Aunty."

"No, you are not."

Kung gaanong parang pinipiga ang puso ni Feng dahil sa mga sugat ni Emy, ay ganoon din ang nararamdaman nila Francis, Shin at Shelly.

"Wala na po kayong dapat na ipag-alala, Madam, my Madam made sure that Miss is already healed. Although, may mga bakas pa siya ng nangyari sa kanya, but she is already out of danger." Sabi nung matandang babae na naunang bumaba kesa kay Emy.

"May I ask who is your Good Madam? Lubos kaming nagpapasalamat sa ginawa niya para sa aming si Emy. Nais namin siyang pasalamatan."

"My Madam is the fourth wife of the Emperor."

Nagkatinginan silang lahat dahil sa gulat.

Pinapasok nila ito sa bahay dahil nag-uumpisa na ring dumami ang mga nakikiusiyoso sa kanila.

Doon nila ipinagpatuloy ang pag-uusap.

"Nagkataon na nakasalubong ng Madam ko ang carriage na magdadala sana kay Miss Emy palabas ng city. Kakagaling lang niya noon sa pagbisita mula sa puntod ng kaibigan niya."

"Nalaman ba ni Madam Serafina kung anong dahilan at ilalabas nila ng city si Emy?" Tanong ni Francis.

Pero tumingin lang ang babae kay Emy.

"They want to sell me to the next city's brothel."

Napasinghap pareho sila Shelly at Feng. Naikuyom naman ni Shin ang kamao niya. Si Francis ay napamura.

Agad naman niyang narealize na may kaharap sila galing sa palasyo kaya agad siyang humingi ng paumanhin.

"I understand. My Madam was also angry when she heard about what had happened to Miss Emy. Kaya malamang ay mas doble ang nararamdaman ninyo bilang pamilya niya."

Inilabas niya mula sa bulsa ang mga gamot na ipinadala ni Serafina.

"Here are the ointment and medicine that were personally created by my Madam. Kailangan iyong ipahid at inumin tatlong beses sa isang araw para gumaling ang mga sugat ni Miss Emy at mawala din agad ang mga bakas ng mga ito."

Feng accepted them gratefully.

"How can we repay Madam Serafina for saving our Emy?"

"You don't have to. My Madam likes Miss Emy so much. She just wants her to visit her sometime."

"Please tell her that I will do so." Nakangiting sabi ni Emy sa kanya.

Nagpaalam na ang natanda atsaka umalis na. Sila naman na naiwan doon ay napatingin kay Emy.

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon