Published under Ukiyoto publishing All chapters first draft Stand alone [unedited] Complete Ang babaeng may madilim na nakaraan na kay hirap limutan. Ang babaeng nangangalang Stell, kilalang Zhuri Hazatora. Ang babaeng naging brutal sa pagpatay ng tao dahil sa nakaraan niya. Halos sumuko na siya noong araw na iyon, walang magawa, hinang-hina... Nang dumating ang isang lalaki. Ang lalaking may suot na maskara, kulay itim na may halong kulay dugo. Ang lalaking nag-ligtas sa kanya, at dahil do'n... Nagkaroon siya ng pangalawang buhay. Ipinahanap niya ang lalaking iyon nang umayos na ang buhay niya. Ang lalaking may suot na maskara, kulay itim na may halong kulay dugo... Kaso lumipas na ng ilang taon, hindi pa rin ito mahanap kahit anong gawin. Darating kaya ang araw na magtatagpo ulit sila? Magkikita ulit kaya sila? Sa anong paraan kaya? DISCLAIMER: This story is written in Taglish.