PROLOGUE

11K 328 82
                                    

🌹🚬

MINA

Excited at medyo kinakabahan ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa full-length mirror sa may kuwarto. Paano ba naman, ito na ang araw na pinakahihintay ko!

Aaaaaah!

Tumili ako sa isipan ko.

Ikakasal na ako!

Grabe Mina! Biruin mo, ikakasal na kayo?

Napatawa tuloy ako. Parang ang bilis kasi ng pangyayari.

Parang kailan lang...

"Hay Mina! Basta ikakasal na kayo! Wala ng back-out, back-out! Fighting!" Pag-cheer ko pa sa sarili ko.

Para tuloy akong baliw. Masaya ako eh. Sobrang saya.

Natupad na ang pangarap ko.

Ikaw ba naman, pakakasalan ng crush mo, hindi ka ba kikiligin? Mala-Oppa pa namang ang groom ko.

Pero teka?

Bakit parang hindi ko naman yata namalayan na nag-propose siya sa'kin?

Pinikot ba 'ko ni Thomas? Paano nangyari 'to?

"Ang weird... " Sabi ko sa harap ng salamin.

Ah! Basta!

Inayos ko ulit ang sarili at umikot-ikot. Ang ganda kasi ng soot kong wedding gown kahit na halos kapusin na sa tela ang itsura–

Napakunot ang noo ko ng may mapansin ulit ako.

Kailan pa 'ko nahilig sa mga ganito? Gown pa ba 'to? Grabe naman 'tong si Thomas! Hindi man lang ako pinapili! Makasarili talaga ang isang 'yon! Pero love ko naman!

"Keri na 'to!" Nag-pose ako sa harap ng salamin.

"Mina." Napalingon ako ng may tumawag sakin. At kilala ko ang boses na 'yon! Si Thomas!

Ang bilis ah.

Sumulpot siya bigla sa harapan ko.

"H-Hi, Thomas..." Bigla tuloy akong nahiya.

Nakita niya kaya ang pinaggagawa ko kanina?

"You're so beautiful..." Oh my god!

Parang aatikihin yata ako. Ngayon lang ako napuri ni Thomas ng ganito kaya to the highest level ang pagka-flattered ko.

Magpapa-humble pa ba 'ko?

Nginitian ko si Thomas.

"T-Thank you, hon..." Lumapit ako sa kanya at inayos ang black tuxedo niya. Sobrang bango niya. Tsaka ang dibdib bes, ang tigas!

Ang pogi naman ng asawa ko!

Oo, asawa ko na, bakit?

Lies & Fall Where stories live. Discover now