CHAPTER 17

1.9K 82 3
                                    

🌹🚬

MINA

Maaga akong umalis ng bahay para mamalengke. Pagkatapos kong asikasuhin si Thomas kaninang madaling araw ay umalis din agad ako. Pinunasan ko lang siya at ako na ang nag-alis ng sapatos niya. Hindi ko na siya nagawa pang bihisan dahil nahirapan ako. Ang nakaka-inis pa, tinataboy niya ako habang inaasikaso ko siya. Ayaw niya magpahawak. May binubulong rin siya pero hindi ko naman maintindihan! Kaya ito, sinadya kong umalis ng napaka-aga para hindi ko siya maabutan. Nalulungkot lang ako kapag naaalala ko 'yong sinabi sa'kin ni Ruby. Kung ganoon, anong ibig-sabihin ng mga pinapakita niya sakin? Wala lang? Concern lang talaga siya sakin? Eh noong hinalikan niya ko?

"I'm not pushing you away. But being with me for two years is already enough..."

"What the f*ck, Mina? What is this?"

"Don't get me wrong. You're my... maid and you're my responsibility."

"Tsk!" Padabog kong dinampot ang kangkong.

"Aba neng, huwag mong ibalibag ang mga gulay ko!" Sigaw sa'kin ng tindera.

"Sorry po." Kung todo sorry ako sa tindera at inabot sa kanya ang kangkong tsaka ako nagbayad at umalis.

Hays! Masyado talaga akong apektado sa nalaman ko kaninang madaling araw. May girlfriend na pala siya tapos hinalikan niya 'ko! Tama ba 'yon?!

"Nakaka-inis ka, Thomas!" Napatingin sakin ang iba pang mamimili ng bigla akong magsalita mag-isa. Yung iba ay napa-iling at parang natatawa sakin.

"Sorry po ulit!" Yumuko ako at dali-daling umalis. Nakakahiya!

Pumunta ako sa nagtitinda ng mga isda.

"Oh, bili na! Sariwa pa!"

"Ganda, bili na! Ito Bangus, 140 isang kilo!" Napatingin ako roon sa sumigaw.

Bangus?

Lumapit ako at lihim na napa-ngiti ng makita ko ang tumpok-tumpok na Bangus at sariwa pa. Hindi mahilig si Thomas sa Bangus.

Kaya...

"Ilang kilo ganda?" Tanong sakin ng baklang nagtitinda. Napatingin ako sa kanya. Pulang-pula ang labi niya at sobrang puti rin ng mukha. Tapos 'yong kilay niya, ang kapal din.

"Isa lang po." Sabi ko.

"Okay, ganda." Ngumiti siya sakin bago niya asikasuhin ang mga Bangus ko.

Pagkatapos ay inabot ko na rin ang bayad at bumili pa ng ibang kailangan. Balak ko magluto ng sinigang na Bangus at pritong bangus. Trip ko talaga na bwisitin ngayon si Thomas. Bahala siya.

Paasa siya.

Sinilip ko ang mga pinamili ko habang nakikipag-siksikan ako sa iba pang mamimili rito sa palengke.

"Ano pa bang kulang–ay!" Napasigaw ako ng may biglang humila sakin.

Dahil sa kabiglaan, nahila niya ako agad. At ng maka-recover ako, tsaka ko lang namalayan na may kumakaladkad na pala sakin dito sa may palengke.

Lies & Fall Where stories live. Discover now