CHAPTER 42

1.7K 68 7
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

Pawis na pawis na ako. Kanina pa ako narito sa loob ng sasakyan ni Kuya. Nagtatago ako at nakasiksik sa may backseat. Maaga akong gumising para lang magawa ang plano kong pagsunod sa kanya. Alas-singko umaalis si Kuya kaya alas-tres pa lamang ay narito na ako sa loob ng sasakyan niya. Inalam ko kung saan niya tinatago ang susi nitong sasakyan. Panay ang dasal ko na sana ay hindi niya ako mahuli. Ilang araw ko rin itong pinag-isipan. Sinilip ko ang cellphone ko. Malapit na siyang lumabas. Kabisado ko na ang oras na umaalis siya. At hindi nga ako nagkamali ng marining ko ang pagpasok niya. Pigil na pigil ang aking paghinga. Sumiksik pa ako ng husto sa tabi. Naka-uniform pa ako dahil balak ko pang pumasok pagkatapos nitong mission ko. Hindi ako nag-spray ng pabango dahil tiyak na maamoy niya ako rito sa loob. Ang lakas pa naman ng amoy ng pabango ko.

Binuksan ni Kuya ang aircon kaya naka-hinga ako ng maluwag. Jusko, akala ko katapusan ko na! Sobrang init!

Tahimik lang ang buong byahe. Wala akong naririnig na kahit ano. Sinilip ko si Kuya. Nakita kong diretso lang ang tingin niya. Sumandal ako.

Medyo maliwanag na sa labas. Mahigit isang oras na rin kaming nasa byahe. Saan kaya ang punta namin? Naku, mukhang malayo na yata 'to ah. Sobra akong kinakabahan ngayon. Hindi ko yata kakayanin kapag may nalaman ako.

"What?" Napaigtad ako ng marinig kong nagsalita si Kuya. May kausap siya sa kabilang linya.

"I'm fine. That's just a piece of cake, Paul."

Piece of cake? Anong tinutukoy niya?

Nakakunot lang ang noo ko habang nakikinig. Hindi naka-loud speaker ang kausap niya kaya si Kuya lang ang naririnig ko.

"Yeah, I'm on my way–wait for me." Sabi ni Kuya.

Ilang saglit pa ay natahimik ulit. Ilang minuto pa ang tinagal ng byahe. At sa wakas, ay huminto rin ang sasakyan. Bumaba si Kuya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at sinilip siya sa labas. Nakita kong nasa loob na kami. Napang-nga nga ako. Bumungad sa'kin ang malaking mansyon. May fountain pa at mga matataas na halaman sa tabi. Nakita kong pumasok doon si Kuya sa mansyon. Walang tao sa paligid. Dali-dali akong kumilos at lumabas ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi ini-lock ni Kuya itong sasakyan niya.

Tingnan mo talaga ang lalaking 'yon. Paano kung manakawan siya? Tsk!

Dahan-dahan akong lumakad papalapit doon sa mansyon. Patago-tago ako sa mga matatas na halaman na nadadaanan ko.

Paano ako makakapasok?

Pansin kong walang halos bintana ang mansyon na 'to. Tumingin ako sa itaas. Mayroon isang bintana pero maliit lang. May terrace rin. Ano bang trabaho ni Kuya? Teka, bahay ba niya 'to? Bakit hindi ko alam?

Maya-maya pa ay may narinig akong lumabas kaya mabilis akong umupo at nagtago sa mga halaman. Nakita ko si Kuya na may kasamang lalaki. Nakatalikod sila sa'kin kaya hindi nila ako makikita.

"Anong gagawin natin, Matt? Hindi makakilos ang mga tao natin doon sa Charter Monarch."

"I know. By the way, how's the deal?"

Lies & Fall Where stories live. Discover now