CHAPTER 26

1.9K 91 10
                                    

🌹🚬

MINA

"Sakay!"

Napapitlag ako sa sigaw ni Thomas. Kalalabas lang namin ng bahay nina nanay Lita. Hiyang-hiya tuloy ako sa kanila. Hindi na 'ko nakapag-paalam dahil mabilis akong hinila ni Thomas paalis. Muntik pa akong madapa dahil sa bilis niyang maglakad. Hindi naman ako masyadong lasing eh. Medyo nahihilo lang. Pero alam ko pa naman ang ginagawa ko. Iyon nga lang, napansin kong nagdo-doble ang paningin ko. Akala ko nga, may kasama kanina si Thomas tapos kamukha niya pa. Napahagikgik ako.

Naku, mukhang may tama na nga ako.

"What's funny?" Kunot-noo na tanong sa'kin ni Thomas. Mabilis akong umiling at pumasok sa may passenger seat. Naamoy ko pa ang beer na ininom ko. Sumunod naman siya pagkasakay ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Tingnan mo 'tong si Thomas, pwede naman na maglakad na lang kami eh. Sobrang lapit lang naman namin!

Wala kaming imikan pagdating sa bahay. Padabog niya pang ibinato 'yung susi ng sasakyan sa center table. Naka-yuko lang ako habang nakatayo rito sa sala at kagat-kagat ang aking labi. Para akong bata na papaluin. Alam kong galit na naman siya.

Sinilip ko si Thomas na pumasok sa kusina. Nakita ko siyang umiinom ng tubig. Napansin ko ang mga pagkain na hinanda ko para sa kanya.

Hindi siya kumain?

Lumakad ako papasok sa kusina at inalis ang takip.

"Bakit hindi ka kumain?" Tanong ko sa kanya.

Padabog niyang ibinaba ang baso kaya napatalon ako. Jusko! Balak niya bang mag-basag ngayon? Ano bang tingin niya sa mga gamit niya rito sa bahay? Plastic?

"None of your business." Sabay alis niya. Mabilis kong ibinalik ang takip ng pagkain at sinundan siya.

"Thomas, sandali, kumain ka muna!"

"Shut up!" Sigaw niya pabalik.

Ah, shut up pala ha!

Tumakbo ako para maabutan siya. Paakyat na sana siya sa hagdan ng dambahin ko siya bigla.

"What the hell are you doing?!" Sigaw niya. Ipinulupot ko ang dalawa kong hita sa bewang niya samantalang 'yung dalawang braso ko naman ay sa leeg niya. Tawa ako ng tawa habang nagpupumiglas siya. Akala niya ha!

"Anong sinabi mo sa'kin kanina, ha? Ako prostitute? Paano mo nasabi?" Bulong ko sa kanya.

He stiffened.

"Ano? Grabe ka naman, sa'kin. Kapag ba sumayaw, prosti na agad? Hindi ba pwedeng..." Napatingin ako bigla sa namumula niyang pisngi. Hala, ang cute niya! Mabilis ko siyang hinalikan sa kaliwang pisngi kaya lalo siyang nagwala.

"What the fuck?! Get down!"

"Eh!" Yumapos ako lalo sa kanya. Dikit na dikit ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango talaga! "Bakit mo kasi sinuntok si Chad? Mabait 'yong tao! Gentleman pa!" Proud na sabi ko.

Kung hindi ko pa siya napigilan ay baka nasa hospital na ngayon si Richard! Naku, ayokong makulong siya! Paano na ako?

"So what?" Sagot niya sa'kin. Diretso lang ang tingin niya at halatang galit na galit. "Bakit mo ba kasi siya sinuntok? Wala namang ginagawa sa'yo 'yong tao–"

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon