CHAPTER 68

2K 102 12
                                    

🌹🚬

MINA

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko kay Thomas habang nag-aayos ako rito sa harap ng salamin.

Pupunta kami sa mansyon dahil nanganak na si Ate Anna. Noong isang araw lang niya isinilang ang bago nilang baby. And it's a girl! Sobrang ganda ng bata. Grabe lang talaga ang taranta namin sa mansyon ng manganganak na siya. Samantalang sabay pa kaming nanonood ng Legend of the blue sea. Napatawag tuloy ako kay Sir Nick ng wala sa oras. Busy pa naman siya ng mga oras na 'yon. Sobra akong nataranta eh. Parang ako ang manganganak.

"Are you not finished yet? What time is it? Nick and Anna might even be ahead of us at the mansion. You will still hold a banner." Nilingon ko siya. Nang-aasar na naman.

"Matatapos na. Sandali, mag-lipstick lang ako." Dali-dali kong kinuha ang red lipstick ko sa pouch. Kung dati, lagi lang akong naka-lipgloss, ngayon natuto na akong maglagay ng ibat-ibang shade ng lipstick. Para naman mag-mature ako kahit konti. Sa university kasi na pinapasukan ko, puro ayos na ayos ang mga kasabayan ko. Syempre ayoko rin namang magpahuli. Lalo na at may Thomas na 'ko.

Inalis ko ang labis na lipstick sa labi ko gamit ang tissue. At pagkatapos ay kinuha ko na ang shoulder bag ko.

"Tara na." Aya ko kay Thomas. Akala ko lalabas na kami pero nagulat ako ng hilahin niya 'ko at binura ang lipstick ko gamit ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko.

Ang lipstick ko!

"Bakit mo tinanggal?!" Inis na tanong ko sa kanya. Ano bang trip niya? Siya itong nagmamadali kanina pa tapos sisirain niya ang ayos ko.

"That's too bold. Hindi ikaw ang nanganak." Sumimangot ako.

"Ano ka ba? Sino bang nagsabi sayo na ako ang nanganak? Tsaka ang mahal ng lipstick ko! Dior pa yan tapos binura mo lang." Reklamo ko sa kanya.

"I don't care even that's a Dior. I don't want you to wear lipstick today. Baka may lalaki na naman na humila sayo sa mansyon at kausapin ka. I might punched someone again." Napasinghap ako sa sinabi niya. Si Brent ba ang tinutukoy niya? Pupunta rin kasi siya ngayon eh.

"Seloso!" Sinundot ko ang bewang niya pero wala man lang epekto sa kanya.

"Yes. And you know that. So don't disobey me."

"Opo, kamahalan."

"What?" Hinalikan ko siya sa pisngi. Kumuha ako ng wet wipes at pinunsan ang labi ko pati ang kamay niya na puro stain ng lipstick.

"Tara na?" Sabi ko sa kanya.

"Are you ready?" Tanong niya sa'kin.

"Saan?"

"We will introduce our son to them today, right?" Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan sa sobrang excited ko na makita ang baby ni Ate Anna.

Nasa school niya ngayon si Tomi. At mamayang hapon, susunduin siya ni Thomas para dalhin sa mansyon. Matapos ang ilang buwan na pagtatago namin, handa na 'kong ipakilala ang anak namin sa kanila.

"Eh ikaw? Handa ka na ba?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Always." Hinawakan ko ang kamay niya.

Lies & Fall Where stories live. Discover now