CHAPTER 54

1.8K 81 16
                                    

🌹🚬

MINA

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako bigla. Tumagilid ako ng higa at yayakapin sana si Tomi ng makita kong wala na ang anak ko sa tabi ko. Napabangon ako sabay tingin sa orasan.

Alas-diyes na!

Mabilis akong kumilos para makapag-ayos. Sigurado ako na pagagalitan na naman ako ni Thomas dahil tanghali na naman akong nagising. Pero bakit hindi man lang siya kumatok? Lagi niyang ginagawa iyon eh. Sa katok niya nga lang ako laging nagigising.

Palabas na sana ako ng kuwarto ng maalala ko ang nangyari kagabi. Biglang nag-init ang buong mukha ko. Parang biglang umurong ang mga paa ko at ayoko ng lumabas.

Paano ko siya haharapin? Ano na ba kami?

Napatingin naman ako sa soot kong damit. Simpleng blouse na kulay pink at kulay brown na mahabang bestida ang aking soot. Naka-loose bun din ang buhok ko. Alam kong mukha akong manang dahil sa itsura ko ngayon. Patakbo akong lumapit sa cabinet at naghanap ng damit. Kinuha ko ang dress na paborito ko at nagpalit agad. Nilugay ko rin ang buhok ko at sinuklay. Nag-soot rin ako ng plain na headband. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin at umikot-ikot para makita ang kabuuan na ayos ko.

Teka... bakit ba ako nagpapaganda? Pero... nag-confess siya sa'kin kagabi! Kaya may  something na sa'min ano!

Huminga ako ng malalim. Alam kong walang pasok ngayon si Thomas. Pagkalabas ko ay naabutan ko ang dalawa sa sala. Naka-upo at magkatabing nanonood. Hindi ko lang alam kung ano ang pinapanood nila. Napangiti ako sa nadatnan ko.

Ang ganda naman ng gising ko.

Biglang napatingin sa'kin si Thomas. Kumunot na naman ang noo niya ng makita ako. Ngumiti ako sabay ipit ng buhok ko sa tenga.

"G–Good morming hehehe. Sorry, ngayon lang ako nagising. Kumain na ba kayo?" Malambing na tanong ko sa kanila. Napatingin na rin sa'kin si Tomi. Parang nagtataka.

"Mama, saan po punta mo?" Napakurap ako bigla.

"Huh? Ah... W–wala naman akong pupuntahan anak. Dito lang sa bahay." Sagot ko.

"Eh bakit po ang ganda ng soot mo?"

"Maganda ba?" Sinilip ko ang soot ko. "Thank you. Favorite dress ko 'to."

"No one is asking." Biglang singit ni Thomas kaya napa-irap ako.

Ano 'yon? Balik na naman siya sa pagiging masungit sa'kin? Hmp!

"Kumain na ba kayo?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Yeah. We didn't wake you up because you're still dreaming. It's embarrassing for you." Sabi ni Thomas habang naka-focus sa pinapanood.

"Tulo pa po laway mo." Segunda ni Tomi.

Nanlaki ang mga mata ko.

Bakit ba namana niya ang pagiging straightforward ng ama niya?

"H–Hindi nga?"

"Opo. Diba sabi mo po, bawal magsinungaling." Napatampal ako sa aking noo.

My gosh! Nakakahiya kung nakita ako ni Thomas na ganoon ang itsura!

Lies & Fall Where stories live. Discover now