CHAPTER 7

2K 102 8
                                    

🌹🚬

MINA

"I'll be gone for 2 days."

Sabi ni Thomas sakin noong isang araw kaya ako lang ang tao ngayon dito sa loob ng bahay. Hindi ko na siya tinanong pa kung saan ang lakad niya. Binilin lang niya sakin ang mga dapat kong gawin habang wala siya. Pinaka-mahigpit na bilin niya sakin na huwag magpapapasok ng kung sino lang sa loob ng bahay. Alam ko naman iyon. Tsaka, kahit may pagka-friendly ako, hindi ako basta-basta nag-eentertain ng ibang tao.

Hapon na ngayon at narito ako sa loob ng kuwarto at nag-aayos ng gamit. Kapag ganito kasing tapos na ang trabaho ko, dito na ako sa loob ng kuwarto ko naglalagi. Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko at binuksan iyon. Ng makita ko kung anong petsa ngayon, bigla nanlaki ang mata ko kaya napabangon ako. 

July 29.

Bakit ko nakalimutan!

Mabilis akong umalis sa kama at hinablot ang isang yellow Maxi Dress.

Ini-lock ko ang bahay at dinala ko na rin ang susi. May spare key naman si Thomas at alam kong mamaya na ang uwi niya. Kailangan ko lang siyang maunahan mamaya. Ayokong maabutan niya ako na wala sa loob ng bahay.

Pumara ako ng taxi at agad na sumakay. Nag-request din ako sa driver na dumaan muna kami sa Goldilocks. Mabilis lang naman iyon kaya hindi matagal na naghintay ang driver sakin.

"Dito po ba, ma'am?" Katatapos ko lang magsulat ng tanungin ako ng driver. Hindi ko namalayan na narito na pala kami.

Mini Miracles Orphan Home

Mabilis kong inipit ang letter na ginawa ko at binayaran agad ang driver. Sinoot ko muna ang sunglasses ko bago ako bumaba habang bitbit ko ang box ng cake sa kanang kamay ko.

Ilang segundo akong tumayo sa harapan ng Mini Miracles Orphan Home bago ako nagdesisyon na lumapit.

Saktong bumukas ang maliit na gate at bumungad sakin ang isang taong lubos kong pinagkakatiwalaan sa loob ng 5 taon.

"Mina! Hija! Mabuti at nakarating ka!" Nag-mano ako sa kanya.

Niyakap ako ni sister Cecilia.

"Kamusta po, sister? Pasensya na po at ngayon lang ako..." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti sakin si sister Cecilia at hinawakan ang magka-bilang pisngi ko.

"Ayos lang hija... Kamusta ka na? Parang mas lalo kang gumanda." Napa-ngiti ako roon.

"Kamusta na po siya?" Tanong ko kay sister Cecilia. Mas lumawak ang ngiti niya sakin.

"Halika! Hinihintay ka na niya kahapon pa."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang palapit kami ng palapit. Ng makapasok na kami, bumungad sakin ang mga bata. Lahat ay naka-soot ng party hats at panay ang ikot sa loob. May naghahabulan at may kumakain na rin.

Sa ding-ding ay may mga letrang naka-sabit.

HAPPY 5TH BIRTHDAY, TOMI!

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon