CHAPTER 61

1.7K 83 1
                                    

🌹🚬

MINA

"Tomi? Thomas?" Panay ang hanap ko sa dalawa habang pa-ikot ikot ako rito sa loob ng bahay. Bigla na lang ako nagising at mag-isa lang ako sa kuwarto ni Thomas. Ang akala ko, lumabas lang siya saglit kaya nag-desisyon na akong bumalik sa kuwarto namin ni Tomi. Pero pagpasok ko roon, wala rin ang anak ko. Hindi ako mapakali dahil isang oras na silang hindi bumabalik. Kung inilabas niya ang bata, wala namang problema sa'kin. Ang kaso, hindi man lang niya ako ginising o sinabihan man lang. Natatakot ako. Na baka nasa paligid lang si Kuya o ang mga tauhan niya.

Bumalik ako sa kuwarto namin ni Tomi at umupo sa kama.

Hindi basta-basta kumikilos si Thomas ng walang dahilan. Ito na nga ang kinatatakot ko.

Tumayo ako at dali-daling lumabas ng kuwarto. Natataranta ako at gusto ko silang hanapin. Ang kaso, gabing-gabi na.

Saan kaya dinala ni Thomas ang anak namin?

Kagat-kagat ko ang daliri ko habang hindi mapakali rito sa loob. Nag-iisip ako ng pwedeng gawin. Sa huli, wala rin akong nagawa kung hindi hintayin ang pagdating ng dalawa. Halos ma-ubos ko na ang tubig sa ref kaka-inom.

Ala-dose na ng madaling araw pero wala pa rin sila. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ako makapag-message sa group chat namin dahil tiyak na kapag nag-chat ako roon, makakarating kay Thomas. Ayokong malaman niya na gising na ako at halos mabaliw kakahanap sa kanilang dalawa.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang messenger. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may sinend na picture sa group chat namin nina Ate Ligaya. Magulo ang kuha at medyo blurred pero sigurado akong si Tomi iyon habang kumakain sa dining room sa mansyon. Pinag-uusapan nila kung sino ang batang dala ni Thomas.

Paanong... naroon si Tomi?

Nabitawan ko ang cellphone ko sabay hawak sa aking dibdib ng maunawaan ko ang lahat.

May alam na ba siya?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May alam na ba siya?

🌹🚬

THOMAS

"Gusto mo pa ba?" Anna asked Tomi. The four of us are here in the dining room.

"Pwede pa po?" The kid asked shyly. I smiled as Anna put spaghetti on his plate.

"Kain ka lang ng kain, okay? Anong gusto mo? Juice?" He shook his head.

"Milo po. Meron? Peyborit ko po yon eh." I was stunned for a moment.

We both like it.

Damn! My suspicions about this child are growing.

Lies & Fall Where stories live. Discover now