CHAPTER 31

1.9K 102 22
                                    

🌹🚬

MINA

Parang gusto ko na magpalamon sa lupa dahil sa sinabi ni Tomi. Mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig sabay tingin kay Thomas. Takang-taka ang itsura niya habang nakatingin saming mag-ina. Alam ko naman na nagulat siya.

"Thomas, pasensya ka na! Hindi niya sinasadya. Ano kasi, ah, nagulat lang siya. Sorry!" Tumingin sa'kin si Tomi habang takip-takip ko ang bibig niya.

"Ipapasok ko muna siya sa loob. Excuse me," Sabi ko at hindi na siya hinintay pang magsalita. Mabilis kong hinila si Tomi papasok sa kuwarto ko.

"Anak, hindi mo dapat sinabi 'yon sa kanya."

"Kasi mama inaaway ka niya eh." Umupo ako sa kama at hinila siya palapit sa'kin. Hawak niya pa rin hanggang ngayon ang Oreo niya.

"G–Ganoon lang talaga siya. Pero, mabait siya. Huwag mo na ulit uulitin 'yon ha?" Ngumuso siya.

"Sige, hindi na mama." Sabay kain niya sa Oreo. Hinubad ko ang t-shirt niya para palitan siya ng damit.

"Mama, anong pangalan niya?" Natigilan ako. Ipinunas ko sa mukha niya ang t-shirt.

"Tawagin mo siyang sir Thomas. Amo ko 'yon." Tumayo ako para ikuha siya ng bagong damit. Pagkatapos ay umupo ulit ako sa kama at binihisan siya.

"Thomas? Parang pareho kami ng name mama, Sa'kin po Tomi." Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

"A–Ah, oo nga..."

"Masungit ba 'yon mama?"

"Mabait siya. Pero mabilis magalit."

"Parang ako po, mama? Pero mas mabait ako diba?" Natawa ako.

"Oo naman! Love kita eh." Sabay gulo ko sa buhok niya. Tinapik ko ang kama. "Dito ka, anak." Sumunod naman ito at yumakap sa'kin. Hmmm, ang bango naman ng baby ko! Kung makapag-moment kaming dalawa ni Tomi ay parang walang Thomas sa labas. Sigurado akong hinihintay ako nun para maka-usap. Mamaya ko na siya haharapin. "Gusto mo ba muna magpahinga? Mamaya na lang kita gigisingin kapag kakain na ng hapunan." Tumango-tango si Tomi sa'kin. Inayos ko ang higaan bago ko siya patulugin. Na-istorbo ko ang tulog niya kanina kaya babawi ako.

"Sleep ka na muna, ha? Lalabas muna 'ko." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya at ipinikit na ang mga mata niya.

Binigyan ko siya ng halik sa noo bago ako lumabas. Naabutan ko si Thomas na naka-upo sa sofa at nakatingin sa'kin. At sa klase ng tingin na ibinibigay niya, alam kong kailangan ko siyang harapin.

"Come here," Utos niya. Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya ngunit may distansya. Nilaro-laro ko ang daliri ko.

"Thomas..."

"What was that? Who's that kid? And what did he call you? Mama? You have a son already? How the hell that happened?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin. Hindi ko alam kung anong una kong sasagutin. Nakatingin lang siya at nakakunot ang noo habang naghihintay sa'kin. Kaya kong magsinungaling sa kanya ngayon tungkol kay Tomi. Pero kapag na-iisip ko ang kasinungalingan ko noon pa, ay lalo akong nilalamon ng konsensya. At isa pa, narinig na niya ang pagtawag sa'kin kanina ni Tomi ng 'mama'. Sa daldal ng anak ko, malalaman niya rin.

Lies & Fall Where stories live. Discover now