CHAPTER 44

1.8K 64 19
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

Hindi mawala ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Naka-upo siya sa sofa namin dito sa may living room. Kasama siyang umuwi ni Kuya. Nagulat nga ako dahil first time ko siyang nakita na may kasamang babae.

Girlfriend niya kaya?

Pinagmasan ko ito. Matangkad, kayumanggi at cat eyed. Kapag pinagmasdan mo siya ay para kang inaakit. Sobrang sexy rin niya. Pati boses ay ganoon rin. Pino rin kung gumalaw.

Lumabas si Kuya saglit kaya kaming dalawa lang na-iwan dito sa loob. Inalok ko na siya ng pagkain pero ayaw naman niya. Tinanong pa ako kung may wine. Kaya ayon ang binigay ko sa kanya.

Umupo ako sa tapat niya.

"A–Ayaw mo po talaga ng pagkain? May cake po sa ref–"

"No, thank you. I don't have a preference for sweets." Sabay ngiti niya.

"Ah, ganoon po ba. Sorry po!"

"It's okay. What's your name?" Ibinaba niya ang wine na iniinom niya at pinagmasdan ako. Na-conscious naman ako bigla kaya napa-tuwid ako ng upo.

"M–Mina po..."

"Oh, that's cute. Hindi ko alam na may kapatid pala si Matthew. I'm quite surprised." Nginitian ko lang siya. Gusto ko sana itanong kung ano bang mayroon sa kanilang dalawa ni Kuya kaso ay nahihiya naman ako. Baka mamaya eh wala naman pala silang relasyon tapos mapahiya na naman ako.

"With the kind of look you're giving me since earlier, I know you're curious... who I am." Nag-iwas ako ng tingin.

Obvious ba 'ko masyado? Naku!

"I'm Viper." Napakurap ako.

Viper? Wow, kaka-iba ang pangalan niya.

"Ang unique po ng pangalan mo." Sabi ko.

Ngumiti lang siya sa'kin. Ilang saglit pa ay dumating na si Kuya kaya naputol ang usapan namin. Tumayo ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami masyadong nagpapansinan ni Kuya Matthew. Kaka-usapin niya lang ako kapag may itatanong siya o di kaya'y may importanteng sasabihin. Napansin ko rin na mas napapadalas na ang pag-uwi niya ng madaling araw.

"Let's go," Sabi ni Kuya kay Viper.

Akala ko ay aalis na sila pero nagulat ako ng pumasok silang dalawa sa kuwarto ni Kuya. Na-iwan akong naka-nga nga rito sa sala.

Anong gagawin nila?

Nilingon ko ang kuwarto na pinasukan nila. Idinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan para lang marinig sila. Pero naaalala ko na soundproof pala ang kuwarto namin.

Pumasok na rin ako sa kuwarto ko at sumilip sa katabing balcony. Hindi ako nabigo ng makita ko silang dalawa na magkasama. Nag-uusap sila. Katulad ng ginawa ko noon, nagtago ako at nakinig sa usapan.

Lies & Fall Where stories live. Discover now