CHAPTER 66

2.2K 97 26
                                    

🌹🚬

MINA

Para akong hinahabol ni kamatayan habang hila-hila ko si Tomi palabas ng building. Matapos sabihin sa'kin ni Sir Nick ang totoo, mabilis akong umalis. Hindi na ako nakapag-paalam pa dahil nataranta na 'ko. Ang plano kong humingi sana ng tulong sa kanya ay hindi na nangyari. Balak ko sanang ibigay sa kanya ang chip para siya na ang mag-soli noon kay Thomas. Ayokong malaman niya na galing iyon sa'kin. Nagbago na kasi ang isip ko na ibigay ang chip kay Everet o sa kapatid ko.

"Mama, gutom na po ako." Hindi ko pinansin ang sinabi ng anak ko. Blanko na ang laman ng utak ko ngayon. Ang gusto ko lang ay maka-uwi kaming dalawa. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi sinabi sa'kin ni Sir Nick kung saan ang operation ngayon ni Thomas. At wala akog ideya kung ano na ang nangyayari ngayon doon!

May nakita akong taxi kaya pumara agad ako at sumakay agad kami ni Tomi. Pinagpapawisan na 'ko ng malamig.

"Mama..." Nilingon si Tomi sa tabi ko. Nakakapit siya sa braso ko habang nakatingin sa'kin. Nagtataka kung bakit bigla akong naging balisa at hindi mapakali. Sino bang hindi?! Nasa panganib ngayon si Thomas at posible ng malaman niya ang koneksyon ko sa taong balak niya ng tapusin!

"Uuwi na tayo, anak. Hintay lang, ha?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at niyakap siya. Nakita kong napatingin sa'min ang driver.

"Ito po ang bayad. Salamat po manong." Sabi ko bago kami bumaba. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Alas-kwatro na ng hapon. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa'kin sa loob. Mabibigat ang bawat hakbang ko habang hawak-hawak ko ang kamay ni Tomi. Sa kanya ako kumukuha ng lakas ng loob ngayon.

Patay ang ilaw ng makapasok kami sa bahay. Ibig sabihin, hindi pa siya nakaka-uwi. Lalo akong inatake ng kaba. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Dati naman hindi ako kinakabahan kapag umaalis si Thomas o kapag alam kong may misyon siya. Panatag ako lagi na makaka-uwi siya ng ligtas. Sa galing niya sa pakikipa-bugbugan, alam kong kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Alam kong may mga kasamahan siya ngayon pero hindi pa rin ako makampante lalo na at ilan na ang napatay ng kapatid ko kaya hindi malabong maka-patay siya ulit. Sana, wala na siyang masaktan. Mas gusto ko na lang na makulong siya ulit ng walang napapatay na kahit sino. Alam kong may natitira pang kabutihan sa puso niya. Nilamon lang siya ng galit, inggit at pera kaya siya nagkaganoon. Idagdag pa na may sakit siya na kailangan pagtuunan ng pansin.

Nanghihina akong napa-upo sa sofa rito sa sala. Nakatingin lang sa'kin si Tomi. Soot niya pa rin ang backpack at sombrero niya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala 'ko.

"Tomi..." Hinila ko siya at niyakap. Tinapik-tapik niya ang likod ko habang umiiyak. Isa ito sa mga magandang katangian ng anak ko. Kapag nakita niya 'kong malungkot at umiiyak, lalapit agad siya para i-comfort ako.

"Huwag ka na po umiyak mama. Sino po ba away sayo?" Suminghot ako. Kung pwede ko lang sabihin lahat sa kanya ang nangyayari ngayon pero ang bata pa niya. At tsaka, wala siyang maiintindihan.

Pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Anak, makinig ka sa'kin ha?"

"Okey po." Inalis ko ang sombrero niya. Alam kong malulungkot siya sa magiging desisyon ko pero ito lang ang sa tingin kong nararapat kong gawin ngayon. Hihintayin kong maka-uwi si Thomas ngayong araw. Sasabihin ko na lahat sa kanya ang totoo. May alam man siya o wala.

Lies & Fall Where stories live. Discover now