CHAPTER 19

1.8K 90 15
                                    

🌹🚬

MINA

Panay ang tingin ko sa paligid habang tinatawagan ko si sister Cecilia. Alas-otso na ngayon kaya sigurado akong nasa itaas na si Thomas. Sana lang ay tulog na siya. Lumabas pa ako para lang tumawag.

"Hello, Mina?" Narinig ko ang mahinhin na boses ni sister Cecilia.

"Sister!"

"Napatawag ka hija? May problema ba?" Tumingin-tingin ako ulit sa paligid.

"Wala naman po, sister. Ano po kasi, si Tomi po kamusta?" Mahina ang boses ko. Mahirap na at baka marinig ako ni Thomas. Parang may radar pa naman ang isang 'yon.

"Ayos lang naman hija... Tulog na ang mga bata. Bakit? Ay sus, miss mo na si Tomi ano?" Malungkot akong ngumiti.

"Lagi naman po sister," Huminga ako ng malalim at hinawakan ang bulaklak dito sa hardin. "Pasensya na po sister ha? Babawi po ako sa susunod. Habaan niyo pa po ang pasensya niyo kay Tomi." Natawa si sister sa sinabi ko.

"Ano ka ba, hija! Mabuti nga at sakin mo iniwan ang bata. Huwag kang mag-aalala at gagabayan kong mabuti si Tomi. Aba, eh kahit medyo pasaway ang anak mo, marunong naman makinig sa'kin..."

"Naku, salamat po talaga! Sobrang laki po ng utang na loob ko sa inyo... Mahal na mahal ko po kayong lahat. Pero syempre sister, ikaw ang pinakamahal ko. Hahahahaha! Shh ka lang po muna kay Tomi, ha?" Pareho kaming natawa ni sister sa huli.

"Oh siya, sige at hindi ko sasabihin kay Tomi ang sikreto natin..."

"Ay oo nga po pala, tumawag po kanina si Tomi sa'kin. Pinahiram niyo po ba ang cellphone?"

"Anong oras tumawag?"

"Mga tanghali po eh. Siguro po mga alas-dose. Nasa labas po ako noong tumawag ang bata. A–Ang amo ko po ang nakasagot..."

"Naku hija! Tulog ako ng mga oras na 'yon. Baka pumuslit na naman ang makulit mong anak." Nasapo ko ang noo ko. Nako naman! Sinasabi na eh.

"Pasensya ka na at na-istorbo ang trabaho mo. Hayaan mo at pagsasabihan ko. Siguro ay sobra lang nangungulila sayo ang anak mo..." Tumalikod ako at umupo rito sa may bench sa hardin.

"Ayos lang naman po sister na tumawag sakin si Tomi kanina... Nagulat lang po ako kasi hindi ko dala ang cellphone ko noong tumawag siya."

"Oh siya, sige–teka at may titingnan lamang ako, ha? Huwag mong ibababa ang tawag."

"Sige po,"

"May messenger ka ba, hija?" Tanong bigla sakin ni sister Cecilia.

"Mayroon po. Bakit po sister?"

"Ah, bago kasi itong cellphone ko. Nag-download ako ng messenger at ng Facebook. Hindi ko pa nga lang masyadong gamay ang facebook," Sabay tawa ni sister. "May isesend sana ako sa'yo..." Napangiti ako. Ang taray ni sister ha, may messenger at Facebook na rin. Akala ko hindi na siya magle-level up eh. Iyong luma kasi ang gamit niya. Sabi ko pa nga noon, kapag nagka-extra ako, bibilhan ko siya ng bagong cellphone.

"Sige po sister. Magse-send po ako sa inyo ngayon ng request. Paki-confirm na lang po ako ha?"

"Oo naman! Sige at hihintayin ko."

"Sige po, wait lang po. Ano po ba 'yong isesend mo?"

"Ah ito, nag-picture kasi si Tomi rito sa cellphone ko, hija... Gusto ko ipakita sa'yo dahil nakakatuwa." Na-excite ako bigla sa sinabi ni sister.

Lies & Fall Where stories live. Discover now