CHAPTER 36

1.8K 75 10
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Ano?!" Napangiwi ako sa sigaw ni Diane habang kausap ko siya sa cellphone. Narito ako ngayon sa SDC (student disciplinary council). Ang akala ko, makakalusot ang ginawa kong kalokohan pero nagkamali ako. Heto nga at dinala ako ni Thomas sa SDC. Mabuti na lang at walang nakakakita masyado sa'min. Hanggang sa makarating kami rito sa SDC ay nakayuko lang ako. Hiyang-hiya talaga ako sa ginawa ko. Para akong bata na nagkalat habang hila-hila niya ako kanina.

"Gaga ka, Mina! Bakit ka nariyan? Ano bang ginawa mo?" Tanong niya sa'kin.

"Kasi..." Sinilip ko si Thomas na naka-upo lang sa harap ko habang titig na titig sa'kin. Samantalang ako naman ay hindi makatingin sa kanya kanina pa. Hindi tuloy ako nakapasok at nakapag-exam dahil sa nangyari. "Tsaka ko na lang iku-kuwento sa'yo. Mamaya tatawag ulit ako."

"Ano?! Pupunta ko riyan! Sandali lang." Narinig ko ang pag-aayos niya ng gamit. Siguro ay katatapos lang ng exam niya. Napapikit ako.

"Okay lang–"

"Anong okay?! Hindi pwede! Dapat may kasama ka riyan! Paano kung pagtulungan ka riyan!"

"Eh kasi ako naman ang–"

"Mamaya mo na 'ko kausapin. Ayusin ko lang tong gamit ko." Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ako makasingit sa kanya. Tiyak ako na magugulat siya kapag nalaman niya kung sino ang kasama ko ngayon.

"S–Sige na nga." Wala na akong nagawa at pumayag na lang. Kailangan ko ng suporta ngayon. Wala na akong pakialam kung malaman niya ang kagagahan ko. "Diane?"

"Bakit?"

"May extra uniform ka pa ba?"

"Mayroon pa yata. Check ko sa locker ko. Bakit?"

"Basta pahiram muna ako."

"Sige. Papunta na ko." Ibinaba ko na ang tawag. Humigpit ang hawak ko sa panyo ko na punong-puno na ng mantsa ng ketchup. Kami pa lang dalawa ang narito sa loob dahil hinihintay pa namin ang chairman ng SDC.

"Aren't you going to face me?" Napasinghap ako ng magsalita si Thomas. "You've been like that since you followed me to the parking lot until I brought you here." Sabi niya.

Lalo pa akong napayuko. Mabuti na lang at nakalugay ang buhok ko kaya hindi niya pa talaga ako nakikilala. Kanina pa nga siya pilit ng pilit sa'kin na harapin ko siya. Eh, ayoko nga!

"Do you know how disrespectful you are right now? I've been talking to you earlier but you are not facing me. Don't wait for me to run out of patience with a reprimanding student like you." Napapikit ako at pinaglaruan ang daliri ko sa kamay. Gusot na gusot na nga ang panyo na hawak ko. Magkatapat kami ngayon. Wala pa rin akong imik.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pero hindi pa rin ako nag-angat ng aking ulo. Bahal na kung magka-stiff neck ako.

"I'm sorry for keeping you waiting Mr. Álvarez. I just finished attending a meeting."

Ang chairman!

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon