CHAPTER 37

1.8K 70 10
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

Nagising ako na puro puti ang nasa paligid ko. Teka, nasa langit na ba 'ko? Ang alam ko nasa SDC ako kanina ah. Bigla akong kinabahan kaya napabangon ako. Bumungad sa'kin ang puting kurtina. Tiningnan ko ang soot ko. Naka-uniform pa rin naman ako. 'Yon nga lang, may bakas pa rin ng ketchup. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga nasa langit na ako! Kung bakit kasi puro puti itong clinic. Try kaya nila lagyan ng touch of pink. Baka dito pa ako lagi tumambay. Sinilip ko kung sino ang tao rito sa loob. Hinawi ko ang kurtina. Nakita ko ang isang nurse habang nakatalikod sa'kin. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Oh, gising ka na pala. Kamusta?" Naka-ngiti niyang tanong sa'kin. Mabuti naman at hindi siya masungit. Dati kasi noong high school ako, sobrang sungit ng mga nurse sa clinic namin. Parang akala mo laging may dalaw. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

"Okay naman po. Ano pong nangyari sa'kin?"

"Naku, nawalan ka ng malay. Don't worry, you're fine. Magpahinga ka na lang pag-uwi mo." Tumango-tango ako at nagpasalamat sa kanya. First time ko lang mahimatay dahil sa sobrang kaba. Hindi ko talaga kinaya ang atmosphere doon sa SDC!

"Ang suwerte mo!" Kumunot ang noo ko.

"Bakit po?"

"'Yung bagong professor ang nagdala sa'yo rito." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi nga?!

"Talaga po? Hindi 'yan joke?"

"Oo! Marami nga ang nakakita kasi siya ang may buhat sayo. Alam mo bang sobrang daming tao riyan sa labas ng clinic kanina." Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Talaga bang siya ang nagdala sa'kin dito? Hindi siya galit?

"'Yun nga lang, mabilis din siyang umalis. Pagkalapag niya sa'yo riyan sa kama ay lumabas na rin siya agad. Hindi man lang niya kami binati." Napakurap ako.

"G–Ganoon po ba."

"Oo. Ay oo nga pala, iniwan ka saglit ng kaibigan mo. Hintayin mo na lang siya rito." Sabi niya sa'kin. Tumango lang ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na si Thomas ang nagdala rito sa'kin.

"Naku, nabigla yata kita." Sabay tawa niya. "Iwan na kita rito, ha?" Sabay tapik ni ate nurse sa balikat ko. Na-iwan ako rito mag-isa sa loob ng clinic. Umupo ulit ako sa kama at kinagat ang kuko ko.

Kinikilig ako!

"Hoy!" Napaigtad ako sa gulat ng biglang sumulpot si Diane. May hawak siyang papel. Yung Notice of Suspension! Kinuha ko sa kanya ang papel. Nakita kong may pirma na 'yon lahat ng professors. Napatingin ako sa kanya.

"I–Ikaw ang nagpapirma nito lahat?" Tumango siya sa'kin at umupo sa tapat ko.

"Oo. Nakakapagod ha! Ako na ang nagpapirma ng mga 'yan. Ayokong mapagod ka. Baka mawalan ka ulit ng malay eh. Libre mo na lang ako." Sabi niya. Napangiti ako tsaka ko siya niyakap bigla.

"Hoy, amoy ketchup ka pa!" Bumitaw ako sa kanya at napanguso.

"Thank you, beh! Love talaga kita."

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon