CHAPTER 32

1.9K 74 7
                                    

🌹🚬

MINA

6 YEARS AGO

"Uy," Kalabit sa'kin ni Diane. Nag-angat ako ng tingin. Narito ako ngayon sa dulo ng classroom dahil nagre-review ako. Midterm exam na kasi namin mamaya. Umupo siya sa tabi ko at dumikit sa'kin. Kapag ganyan na ang kanyang pwesto, alam kong may chika na naman siya. Matangkad si Diane na payat. Kayumanggi lang ang kanyang kulay. Mahaba at itim ang buhok. May bangs din siya. Maganda naman sa kanya dahil kahit ano yatang hairstyle ng babaeng 'to ay babagay sa kanya.

"Alam mo na ba ang bagong chismis?" Tiningnan ko siya ulit tapos itong binabasa ko.

"Ay, seryoso ang ate mo." Inirapan niya ako sabay tawa. Nakaka-inis talaga ang babaeng 'to. Alam na nagre-review ako eh.

"Hoy Mina, tama na 'yang review-review mo. Matalino ka naman kahit hindi halata. Hahahahaha!" Napanguso ako at isinara ang reviewer ko.

"Ano ba 'yang chismis mo?"

"May bago raw professor doon sa kabilang building. 4th year ang handle." Kumunot ang noo ko sabay ngisi sa kanya.

"Pogi 'yan 'no?" Itinaas baba niya ang dalawang kilay. Napatawa ako. Madalas ay hindi siya napasok sa isang subject namin para mag-hunting. 1st year college na kami. Matinik si Diane pagdating sa mga gwapong lalaki. Ako naman ay sakto lang. Hanggang tingin lang ako lagi dahil ayokong makarating kay kuya Matthew. Ayaw niya na makita akong lumalapit sa mga lalaki o kiligin. Kaya nga kapag nanonood ako sa bahay ng k-drama, itinatago ko pa ang mukha ko sa unan lalo na kapag kasama ko siya sa bahay.

"Oo, beh! Ang gwapo! Pa-mysterious!"

"Talaga? Sino raw?"

"Hindi ko pa kilala eh. Bago lang. Pero ang sabi sa'kin, substitute lang siya. Ayon nga at maraming babae ang palakad-lakad sa tapat ng room nila. Hay naku! Kapag nakita mo, magka-crush ka roon! Ang tangkad beh! Parang gusto ko na tuloy mag-shift ng course." Kilig na kilig na sabi niya sabay hawak sa braso ko. Samantalang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Kulang na nga lang mag lupasay siya sa sahig dito sa room.

"Galing ka ba roon kanina?"

"Oo. Doon kasi ako nag-cr eh. Tapos nagtaka ako kung bakit maraming tao roon sa isang tapat ng room. Lumapit ako. Tapos 'yon, nakita ko. Napaka-gwapo niya, Mina! Blonde ang buhok tapos maputi siya."

"Oh? Baka may lahi?"

"Hindi ko nga alam eh. Baka naka-hair dye lang siya. Bagay naman sa kanya." Tumango ako at ini-imagine ang lalaki na sinasabi niya.

Wala akong ma-imagine.

"Nariyan na si sir!"

"Pakopya ah!"

"Dito ka, Cassie!"

Rinig kong sabi ng mga kaklase namin habang pumupunta sa kani-kanilang upuan. Naputol tuloy ang usapan naming dalawa. Tumayo na ako at pumunta sa upuan ako. Sa 2nd row ako naka-upo dahil sa apelyido ko. Pero kung sa height ang tatanungin, baka nasa unahan ako. Mabuti nga at college na ako. Wala ng ganoon. Noong elementary at high school, lagi akong nasa unahan. Sa pila man o kahit saan. Business Management ang kinukuha kong course dahil 'yon ang gusto ni kuya para sa'kin. Samantalang si Diane naman ay AB Psychology. Magkaklase lang kami sa ibang subjects. Pero kapag wala na kaming klase, magkasama kami lagi. Todo sikap ako mag-aral dahil ayokong ma-dismaya sa'kin ang kapatid ko. Siya ang nagpapa-aral sa'kin dahil wala na kaming mga magulang. Sinasabi nila na matalino raw ako pagdating sa mga written works or exam. Pero pagdating naman sa recitation ay ewan ko ba at name-mental block ako. Madaldal ako pero natatahimik talaga ako kapag natawag na ang pangalan ko.

Lies & Fall Where stories live. Discover now