CHAPTER 47

2.1K 85 32
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Ms. Mina!" Napabalikwas ako at napatuwid ng upo ng marinig ko ang pagtawag sa'kin ng Professor. Hindi ko namalayan na nakakatulog na pala ako habang may klase. Naku naman! Ano bang nangyayari sa'kin? Lagi na lang akong inaantok.

"S–Sorry po!" Sabi ko.

"Kung matutulog ka sa klase ko, then sleep outside!" Napayuko na lamang ako dahil sa hiya.

Hindi ako lumabas at pinilit ang sarili ko na makinig kahit walang pumapasok sa utak ko. Gusto ko ng umuwi at matulog magdamag.

Dalawang buwan na simula ng makulong si Kuya. Binibisita ko siya minsan pero hindi niya ako hinaharap. Dinadalhan ko rin siya ng pagkain pero wala pa rin. Iniiwan ko na lang. May iniwan siyang pera sa'kin pero hindi ko 'yon tinanggap. May ipon naman ako. Kaya may panggastos pa rin naman ako sa bahay. Pero alam kong hindi na rin 'yon aabot. Balak kong tapusin muna ang semester na 'to at aalis na ko roon sa condo. Maghahanap ako ng trabaho. Sa ngayon, ako lang bumubuhay sa sarili ko.

Dalawang buwan na rin akong walang balita kay Thomas. Ang sabi, umalis na raw siya rito sa Charter Monarch. Nalungkot ako sa balitang 'yon pero wala akong magagawa dahil hindi naman siya taga-rito.

Sana, hindi niya ako natandaan at ang nangyari sa'min. Kung sa bagay, malabong mangyari 'yon dahil iba ang ayos ko. Pero para sa'kin, isa 'yong pagkakamali na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko. Kung bakit ba kasi ang tanga-tanga 'ko.

"You look pale," Nilingon ko si Jack. Hindi ko namalayan na kasabay ko na pala siya sa paglalakad.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.

"Antok lang ako."

"Yeah, I noticed. Actually, ilang araw na kitang nakikita na laging tulog sa klase. Nagpupuyat ka ba?" Tanong niya.

"Hindi naman. Naging antukin lang siguro ako kasi marami akong iniisip. Kaya gusto ko na lang lagi matulog."

"Oh, right. Baka ganoon nga. By the way, uuwi ka na ba?"

"Oo. Bakit?"

"Uhm..." Humawak siya sa batok niya. Natawa naman ako. Parang nahihiya siya. Madalas kong kasama si Jack. Mabait siya kahit na may pagka-weird. "P–Pwede ba tayong kumain sa labas? My treat!" Tumigil kami sa paglalakad. Hinarap ko siya. Napansin kong namumula ang pisngi niya kaya kinurot ko 'yon.

"Aw,"

"Ang cute mo!" Sabi ko. Lalong namula ang pisngi at tenga niya. Bakit parang sobrang cute niya ngayon? Argh! Nakakagigil!

"Sorry! Naku, napasobra yata ang kurot ko. Oh sige, payag ako. Sabi mo, treat mo ha?" Tumango siya.

"Tara na!" Hinila ko siya.

🌹🚬

"Grabe, ang sarap nito!" Sabi ko habang nilalantakan ang limang regular siopao rito sa Chowking. Sa totoo lang, noong isang araw ko pang gusto kumain nito pero hindi matuloy-tuloy dahil mas lamang ang antok sa'kin. Kung dati, nagpapa-deliver pa ako ng gusto kong pagkain, ngayon ay hindi na. Nagtitipid ako eh.

Lies & Fall Where stories live. Discover now