CHAPTER 59

1.6K 75 2
                                    

🌹🚬

MINA

Dumating na ang araw ng kasal ni Ate Anna at Sir Nick. Isang linggo matapos ang anunsyo na buntis na si Ate Anna, minadali agad nila ang lahat. Isang linggo na rin simula ng hingin sa'kin ni Thomas ang pangalan ng ama ni Tomi. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-ibigay sa kanya. Hindi naman niya ako pinipilit. Sa totoo lang, natatakot ako na baka siya na mismo ang gumawa ng paraan. Ang kaso, paano niya iyon magagawa kung siya mismo ang lalaking iyon. Habang tumatagal, lalo akong kinakabahan. Masaya ako dapat ngayon dahil ikakasal na si Ate Anna, pero hindi ko magawang mag-saya ng todo dahil ang daming bumabagabag sa'kin. Tungkol naman sa relasyon namin ni Thomas, ganoon pa rin naman kami. Sweet siya sa'kin kapag nasa bahay at kaming dalawa lang. m Nakakapag-kuwento na rin siya paminsan-minsan kaya komportable na rin siya sa'kin. Nalaman ko na kaya pala malaki ang galit sa kanya ni Brent, dahil noong araw na kinidnap nila sina Ate Anna, ay kasama pala siya.

"He should be thankful because that's all I did to him. He just lost consciousness for a while then."

Sabi niya sa'kin. At pagkatapos nga noon, galit na galit na sa kanya ang pinsan ni Ate Anna. Kung sa bagay, kung napuruhan niya si Brent, baka nakakulong si Thomas ngayon.

"Because I want him to know, Mina.... That you're MINE now."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko ng maalala ko ang sinabi ni Thomas noong gabing iyon. Talagang pinigilan mo ang sarili ko na tumili dahil baka magising si Tomi.

"Pak! Ang ganda mo! Bagay na bagay sa'yo ang ganitong make-up!" Napakurap ako ng marinig kong pumalakpak ang bakla na naka-toka na mag-ayos sa'kin. Hindi ko man lang namalayan na tapos na niya pala akong ayusan. Sobrang lalim kasi ng iniisip ko.

Narito kaming mga abay sa dressing room sa mansyon at inaayusan isa-isa. Lahat kami ay may kanya-kanyang make-up artist. Ang bongga nga eh.

Napatingin ako sa salamin. Napa-nga nga ako ng makita ko ang aking itsura. Light make-up lang ang ginawa niya sa'kin kaya nagustuhan ko. Light blush ang nilagay niya sa magkabilang pisngi at coral pink naman sa labi ko. Kinulot niya rin ng kaunti ang aking buhok ko at nilagyan ng pink na ribbon. Bumagay ito sa cocktail dress na soot ko. Off-shoulder ang pinili ko dahil ito ang tingin kong bagay.

"Alam mo, may kamukha ka." Sabi ng bakla sa'kin. Nilingon ko siya.

"Sino po?"

"Teka, ano nga ang pangalan nun..." Kinuha niya ang cellphone niya at nag-type roon. "Ito oh! Si Kim So Eun!" Sabay itinapat niya sa'kin ang screen. Nanlaki ang mata ko ng makita kong may hawig nga kami ng nasa picture.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Lies & Fall Where stories live. Discover now