CHAPTER 38

1.8K 74 11
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Anong sabi mo? Yung kuya mo, at yung mga kasama niya sa trabaho, gustong pumasok sa Charter Monarch natin? Bakit naman?" Tanong ni Diane sa'kin pagkatapos kong i-kuwento sa kanya ang mga narinig ko kahapon. Mabuti na lang at lumabas si kuya pati ang mga kasama niya. Mahigit kalahating oras din akong nagtago.

Narito kaming dalawa sa isang coffee shop malapit sa school. Naka-uniform pa ako dahil ayokong malaman ni kuya na suspended ako. Lagot ako roon kapag nalaman niya.

"Hindi ko nga rin alam eh." Sumandal ako sa inuupuan ko.

"Ano bang work ng kuya mo? Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin alam?" Napatingin ako kay Diane. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang mga nabu-buo kong ideya. Ininom ko ang frappe ko.

"Baka freelancer ang kuya mo, di kaya? Guwapo naman ang kuya mo eh. Baka nagmo-model rin siya. Malaki rin ang kinikita ng ganoon 'no." Hindi ako umimik. Si kuya? Magmo-model? Eh, takot nga 'yon sa harap ng camera! Hindi rin 'yon pala-selfie at katulad ni Thomas, wala rin siyang Facebook account. Ewan ko ba sa kuya ko. Kumpleto naman siya sa mga gadgets pero walang social media.

"Sa tingin mo, Mina?"

"Huh?" Napakurap ako habang kagat-kagat ang straw.

"Tingnan mo 'to! Kanina pa ako nagsasalita rito, hindi ka naman nakikinig."

"Sorry, beh. Naku-curious na naman kasi ako sa work ni kuya." Sabay nguso ko.

"Oh, bakit hindi mo siya sundan katulad ng ginawa mo kay Sir Thomas? Curious ka pala eh." Tiningnan ko siya ng masama.

"Nang-aasar ka ba?" Tinawanan niya 'ko.

"Hindi bagay sa'yo ang mag-taray, Mina! Hoy, umamin ka nga," Dumikit siya sa'kin. "Crush mo si Sir Thomas, 'no?" Muntik ko ng ma-ibuga sa kanya ang iniinom ko. Nanlaki ang mga mata sabay iwas ng tingin. Ang babaeng 'to talaga! Ang hilig mambigla!

"Oh," Binato niya sa'kin ang tissue. "Masyado kang napaghahalataan eh. Alam mo, huwag ka ng mahiya sa'kin. Kahit wala pa tayong isang taon na mag-best friend, open na tayo sa isa't-isa." Pinunsan ko ang bibig ko bago ko siya tingnan. Ngumiti ako sa kanya. Mabuti na lang at mayroon akong isang kaibigan na tulad niya. Noong high school ako, walang nakikipag-kaibigan sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ayaw ng mga kaklase ko sa'kin. Friendly naman ako at mabait. Ako pa nga ang nalapit sa kanila. Pero ganoon pa rin. Palibhasa, puro kami babae kaya ang hirap din makisama. Matataray pa 'yung iba.

"Hindi naman ako magagalit kung crush mo siya. Happy pa nga ako eh."

"Oo na! Crush ko na siya! A–Ang cool niya kasi tingnan kahit mukhang ma-init lagi ang ulo." Pag-amin ko.

"Ayaw pala, ha?" Pang-aasar niya pa sabay ngisi na parang aso. Binato ko rin sa kanya ang tissue na ginamit ko.

"Kadiri ka naman!"

"Hahahahaha! Kala mo ha!"

"Dapat 10 days kang suspended eh."

Lies & Fall Where stories live. Discover now