CHAPTER 9

2.1K 92 6
                                    

🌹🚬

MINA

Naghihina akong napasandal sa likod ng pintuan. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Ngayong nakalaya na ang kuya ko, hindi na ako mapakali. Delikado siyang tao. Kapag gusto niya, gagawin niya. Kung hindi ko siya susundin, lalo siyang magagalit at baka kung anong magawa niya sakin. Kahit kapatid niya ko, kaya niya akong saktan kung gugustuhin niya.

Mabilis akong pumunta sa kuwarto at iniwan ang mga pinamili ko sa sala. Hinalungkat ko ang na-ipon kong pera sa loob ng ilang taon. Binilang ko iyon. Medyo malaki na rin pala ang na-ipon ko, at kapag ibinigay ko ito lahat kay Kuya, ay baka tigilan na niya ako.

"Tama–"

"Malapit na ako mag-grade 1! Diba sabi mo, ikaw maghahatid sakin sa school?"

Napatingin ako sa perang hawak-hawak ko. Naalala ko ang sinabi sakin ni Tomi. Pinag-iipunan ko ang para sa pag-aaral niya. Gusto ko, ako ang bibili ng mga gamit niya. Pero sa sitwasyon ko ngayon, baka hindi ko na iyon matupad.

Napa-iyak na naman ako.

"Tomi... I'm sorry..."

Mabilis kong kinuha lahat ang pera at inilagay iyon sa bag at itinago sa ilalim ng kama. Hinihintay ko lang ang text ni Kuya Matthew sakin.

Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko. Mapula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina pa. Masayahin akong tao, pero kapag sa mga ganitong bagay, hindi ko kayang ngumiti man lang at mag-biro. Ngumiti ako ng pilit sa salamin. Iniisip ko si Tomi. Siya na lang ang mayroon ako. At hindi ko kayang madamay siya sa mga pagkakamali ko noon.

Bumaba na ako at inayos ang mga pinamili ko. Sa oras na ito, kailangan kong libangin ang sarili ko. Dahil ano mang oras, alam kong babalik na naman ang takot ko.

🌹🚬

Narito ako sa labas at hinihintay ang pagdating ng sasakyan ni Thomas. Hindi ako mapakali. Kahit may usapan na kami ni Kuya Matthew tungkol sa pagkikita namin, hindi ko pa rin kayang pagka-tiwalaan siya ng husto. Paano kung magbago bigla ang isip niya at pumunta siya rito? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon. At mas lalong hindi ko kakayanin kapag nagka-harap sila ni Thomas. Kung kaya kong tanggapin ang galit sakin ng kapatid ko, ang kay Thomas ay hindi.

Ilang saglit pa ay nakita ko na ang sasakyan ni Thomas na papasok. Tumakbo ako roon para salubungin siya. Tumayo ako sa gilid habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Ng makababa si Thomas mula sa sasakyan niya ay lumapit na ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Parang nagtataka.

"Why?" Tanong niya sakin. Sumandal siya sa sasakyan niya.

"Hindi ka pa ba papasok sa loob?" Tanong ko.

Umiling siya sakin.

Kumuha siya ng sigarilyo mula sa bulsa niya at sinindihan iyon sa harap ko.

Hindi ako huminga.

Binuga niya ang usok pataas sabay tingin sakin. Nakakunot ulit ang noo niya.

"Why are you still here? Are you gonna watch me smoking?" Tanong niya.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon