CHAPTER 16

1.9K 84 7
                                    

🌹🚬

MINA

"Stop smiling like an idiot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Stop smiling like an idiot." Napa-nguso ako sa sinabi ni Thomas.

Ang harsh niya talaga sakin!

Pa-uwi na kami. Parang kanina lang, iyak ako ng iyak dahil sa pambabastos sakin sa Supermarket. Pinigilan ko lang na humagulgol ng malala dahil baka iwan ako ng kasama ko. Pero ngayon, panay na ang ngiti ko kapag naaalala ko ang pagyakap niya sakin kanina. Minsan ang gulo rin niya eh. Magsusungit tapos biglang concern sakin.

"Thank you nga pala kanina sir Thomas ha?" Hindi niya ako sinagot. Seryoso lang ang tingin niya habang nagmamaneho. Tahimik na sumandal na lang ako sa inuupuan ko at hindi na nagsalita pa. Baka mapababa pa ako ng sasakyan.

Pagkarating namin sa bahay ay agad kong inayos ang mga pinamili namin. Si Thomas naman ay umakyat agad sa kuwarto niya. Pagkatapos kong ilagay sa kanya-kanyang cabinet ang mga stocks ay hinanda ko na ang para sa hapunan namin. Hindi na ako nakapagpalit pa ng damit. Ilang saglit pa ay bumaba na si Thomas. Napansin ko na parang nagmamadali siya. Lumabas ako mula sa may kusina.

Naabutan ko siya na bihis na bihis. May lakad siya?

"Sir Thomas, aalis ka?" Tanong ko sa kanya habang binubutones niya ang polo niya. Kulay dark blue iyon kaya litaw na litaw ang kaputian niya. Napansin ko rin na medyo basa pa ang buhok niya. Siguro ay kaliligo lang. Pinagmasdan ko lang siya.

Saan kaya siya pupunta?

Napatingin naman ako sa orasan. Pasado alas-sais na. Nakita kong may inilapag si Thomas na paper bag. Plain black iyon at wala man lang ribbon o kahit ano.

Pupunta ba siya sa party?

This time ay nilingon niya ako. Siguro napapansin niya na curious ako kung saan siya pupunta.

"I'll be attending a party." Napatingin ako sa kanya.

"Talaga? Saan?" Wow, mahilig din pala um-attend ng party ang amo ko? Akala ko kill joy talaga siya eh. Sa lahat ba naman ng party na na ginanap sa mansyon noon, bihira siya sumipot. Makikita mo na lang siya na nasa tabi at nagmamasid lang. Kung kailan patapos na ang party, tsaka siya dadating.

"You don't need to know. It's a secret party."

"Hindi na 'yon secret. Sinabi mo na sakin eh." Tumingin siya sakin.

"Tsk. Whatever. Are you done?" Umupo siya sa sofa at doon nag-suot ng sapatos niya. Mabilis ang bawat galaw niya. Halatang nagmamadali. Sa bagay, anong oras na rin kasi eh. Kung hindi ba naman kasi kami nagtalo kanina dahil sa mini skirt ko, baka medyo napa-aga pa kami ng uwi.

Napatingin ako ulit doon sa paper bag na nasa center table. Hindi kaya, 'yon ang binili niya kanina kaya siya natagalan?

"Ah oo, katatapos ko lang mag-ayos ng mga pinamili. Nagluluto na ako. Teka, hindi ka ba dito kakain?"

Lies & Fall Where stories live. Discover now