CHAPTER 28

1.7K 88 11
                                    

🌹🚬

MINA

"Huh? Anong guy?" Binitawan niya 'ko.

Hindi kaya...

Alam niya ang koneksyon ko sa kapatid ko? Huwag naman sana. Kinakabahan tuloy ako.

"A–Ano bang sinasabi mo, Thomas? Wala akong lalaki." Tumalikod ako at kinuha ang hose.

"Then why you're avoiding my question, huh?" Hinarap ko siya,

"Hindi kaya. Sinasagot ko nga eh, diba?"

"I'm still your boss."

"Alam ko. And I'm your maid, right?" Nameywang ako sa harapan niya.

"Stop it,"

"Ikaw ang tumigil. Na-iinis na 'ko sa'yo. At tsaka, ano naman kung may lalaki ako? Bakit? Akala mo ikaw lang ang pwede?"

"What–"

"At," Itinaas ko ang kamay ko. "Huwag mo na nga ako basta-basta na lang hahalikan. Makita pa tayo ni Ruby at baka sabunutan niya 'ko!" Tumalikod ulit ako at umupo. Tinaktak ko lahat ang detergent powder sa tubig.

"Why you're pushing me to Ruby? She's–"

"What's going on here?" Pareho kaming napalingon ni Thomas sa biglang dumating. Una kong napansin ang soot-soot niyang red heels at pulang fitted dress na hanggang gitna ng hita niya. Sunod ay ang red lipstick at sa soot niyang sun glasses. Bumagay iyon sa kanya dahil mestiza siya. Para akong nanliit. Sa bagay, maliit naman talaga 'ko. Parang kagagaling lang ni Ruby sa isang photoshoot. Ano kayang ginagawa ng babae na 'to dito?

Pa-simple kong inayos ang soot ko at inipit ang ilang takas kong buhok sa tenga. Tiningnan ko si Thomas. Ang talim ng titig niya sa babae.

"What are you doing here, Ruby?" Inalis ng babae ang sunglasses niya bago lumapit sa'min–kay Thomas sabay halik sa pisngi nito.

Nanlaki ang mata ko.

Ang haharot!

Parang gusto kong kuhanin itong hose at itapat sa kanilang dalawa. Ang aga-aga eh!

"Oh, hi! You're Mina, right? It's nice seeing you again. Do you remember me?" Nakangiting tanong sa'kin ni Ruby.

"Ah, oo. Hello..." Sabay ngiti ko sa kanya.

Hindi ko alam kung nagpa-plastikan ba kami. Para kasing ang sincere niya 'kung maka-ngiti. Sinilip niya ang mga labahan ko.

"Oh, you're doing the laundry pala. But it's still maaga pa, ah?" Tumingin siya sa cellphone niya. "Nag-breakfast ka na ba?" Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako agad nakasagot.

"Katatapos ko lang po kumain. Sige po, maglalaba na 'ko."

"Oh, alright..."

Tumalikod na ako at hindi na sila pinansin. Umupo ako at pinabula ang sabon.

"God, alam mo bang alas-tres pa lang ng madaling araw ay tumawag na sa'kin si Baldassare? That f*cker! Panira siya ng tulog!" Rinig kong sabi ni Ruby. Hindi siya maarte magsalita. Ang totoo nga, para siyang siga. Ang ganda-ganda niya pero ang tapang ng ugali. Gusto siguro ni Thomas 'yong wild.

Lies & Fall Donde viven las historias. Descúbrelo ahora