CHAPTER 43

1.8K 70 7
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"GOZ..."

"Alpha Upsilon..."

Basa ko sa sinulat ko sa notebook ko. Patulog na sana ako pero hindi ako makaramdam ng antok. Ilang araw na akong binabagabag ng mga nalaman ko. Kaya nga heto at sinulat ko sa notebook ko ang mga narinig ko. Kailangan kong malaman kung anong meaning ng tattoo ni Kuya. Sigurado ako na may kinalaman 'yon sa trabaho niya. Isinara ko ang notebook at lumabas sa may balcony. Pero agad din ako napabalik sa loob ng makita ko si Kuya na nasa may balcony rin niya. Nagtago ako at sinilip siya. May hawak siyang larawan habang naninigarilyo. Sunod-sunod ang pag-buga niya ng usok doon sa larawan na hawak niya. Kinabahan ako.

Sino kaya 'yung nasa larawan? Si Thomas kaya?

Nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya 'yon bigla. Sumandal ako sa pader habang nag-iisip kung bakit niya hinalikan ang larawan. Kung picture nga 'yon ni Thomas, bakit?

Nanlaki ulit ang mga mata ko. Hindi naman siguro bakla si Kuya Matthew? Naku! Malabo!

"Kaya nga galingan mo. T*ngina, sa dinami-dami ng babae, doon ka pa sa girlfriend ng kaaway mo."

Naalala ko bigla ang sinabi ng kausap niya noong sinundan ko siya.

'Yung nasa picture...

Ayon kaya ang girlfriend ni Thomas? Ano nga ulit ang pangalan niya?

"Aish!" Pinukpok ko ang ulo ko.

Bakit ba hindi ko matandaan!

Sinilip ko ulit si Kuya pero wala na siya. Pumasok na siguro sa kuwarto niya. Kailangan kong makuha ang larawan na 'yon at ang babaeng kinababaliwan niya. Kaya ba siya galit na galit kay Thomas dahil doon? Grabe 'tong si Kuya! Ang dami-daming babae rito sa Pilipinas! Gwapo naman siya ah. 'Iyon nga lang, may ugali ring kaka-iba.

Huminga ako ng malalim at dumiretso ng higa sa kama.

Maka-tulog na nga!

🌹🚬

"Is there something wrong?" Tanong ni Kuya sa'kin ng mapansin niya ang pananahimik ko. Narito kami sa dining table at kumakain ng almusal.

Noong isang araw pa ako ganito kaya hindi na nakakapagtaka na mahahalata niya ang mga kilos ko. Kung minsan nga ay iniiwasan ko siya dahil hindi ko gusto ang paglilihim niya sa'kin ng trabaho niya. At kung tama man na isa siyang drug dealer, hindi ko alam ang aking gagawin.

"Kuya..."

"Why?"

Lumunok muna ako bago siya tanungin. Alam kong hindi niya ako sasagutin pero gusto ko pa rin subukan.

"Curious lang kasi ako, Kuya... Noong nakaraang linggo, nadatnan kita rito na may sugat. G–Gusto ko lang malaman kung anong trabaho mo at kung bakit ganoon ang naabutan ko." Halatang nagulat siya tanong ko.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon