CHAPTER 55

1.7K 83 7
                                    

🌹🚬

MINA

Alas-sais na ng hapon. Mag-isa lang akong nanonood dito sa sala ng paborito kong k-drama. Tulog si Tomi sa kuwarto ko dahil napagod ito sa habulan at taguan naming dalawa kanina. Sa sobrang hyper ng anak ko, bagsak tuloy. Mamaya pa ang gising ng paslit. Nagluto na rin ako ng hapunan dahil tiyak na pa-uwi na rin si Thomas. Baka sabihin na naman niya: "What the f*ck? Inuna niyo pa maglaro?"

Natawa ako sa imagination ko. Halos kabisado ko na nga yata lahat ng lines niya.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng biglang kumulog ng napakalakas. Tumayo ako at sumilip sa may labas. Malamig at medyo mahangin.

Teka, may bagyo ba?

Bumalik ako sa pinapanood ko. Saktong katatapos lang ng k-drama na pinapanood ko at sunod na ang balita. Wala namang news na may bagyo. Ini-off ko na lang ang tv at lumabas para kuhanin ang mga sinampay ko. Mahirap na. Baka lalong hindi matuyo ang mga nilabhan ko. Ilang saglit pa ay bumagsak na nga ang malakas na ulan.

Patakbo akong bumalik sa loob dala-dala ang mga damit. Saktong pagpasok ko, ay ganoon rin si Thomas. Nagkatinginan muna kaming dalawa. Nakita kong medyo nabasa siya ng ulan kaya dali-dali kong ibinaba ang mga damit na hawak ko at lumapit sa kanya.

"Basa ka! Teka kukuha lang ako ng tuwalya."

"No, I'm fine–" Hindi ko siya pinatapos at dire-diretso akong pumasok sa kuwarto para kumuha ng towel. Pagkabalik ko ay naka-upo na siya sa sofa at hinuhubad ang jacket niya. Napatingin naman ako sa center table. May paper bag na nakapatong roon. Nakita kong galing 'yon sa favorite na fast food ni Tomi. Napa-ngiti naman ako. Sigurado ako na binili niya 'yon para sa anak niya. Never naman siya nag-uwi ng pagkain galing sa mga ganoon.

"Why you're smiling? Give me that towel." Umiling ako at lumapit sa kanya. Pinunasan ko ang buhok niya. Akala ko ay pipigilan niya 'ko pero nagulat ako ng hinayaan niya lang ako. Pigil na pigil naman ang kilig ko habang inaasikaso ko siya.

Sana lagi kaming ganito.

"Okay na–" Aalis na sana ako sa harapan niya ng hilahin niya ako bigla sabay yakap sa bewang ko. Na-itaas ko ng kaunti ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang towel. Napatingin ako sa kanya. Naka-dikit ang mukha niya sa tiyan ko kaya medyo nakikiliti ako. Pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong masira ang moment namin eh.

"Thomas..." Feeling ko sobrang pula na naman ng mukha ko ngayon. Mabuti na lang at ganito ang posisyon namin. At least, hindi niya makikita ang kamatis kong mukha. Bakit kaya ganito na naman siya ka-sweet sa'kin? Samantalang kanina, ang sungit-sungt niya. Tsk. Ganito ba siya kapag naambunan?

"Continue what you're doing." Sabi niya sa'kin habang nakayakap pa rin. My gosh. Paano ba ako makakapag-focus nito? Halos nararamdaman ko ang bawat pag-hinga niya sa tiyan ko dahil sobrang nipis lang ng tela na soot ko. Malambot lang kasi cotton.

"Okay..." Pinunasan ko ulit ang buhok niya gamit ang towel. Dahan-dahan lang dahil baka ma-bwisit siya at kagatin ang tiyan ko bigla.

"I bought his favorite food. Where is he?" Alam kong si Tomi ang tinutukoy niya.

"Tulog siya ngayon. Napagod."

"Why?"

"Ah, naglaro kasi kami kanina."

"Where?"

Lies & Fall Where stories live. Discover now