CHAPTER 24

1.7K 88 10
                                    

🌹🚬

MINA

Umalis na ang ibang bisita kaya kaming apat na lamang kaming natira dito sa bahay. Kapag ganito raw kasi na tapos na ang oras nila para sa bisita, sila namang pamilya. Nakakagulat lang kasi sinama nila 'ko. Parang ako tuloy ang isa nilang anak. Nasa likod kami ngayon ng bahay. Nag-iihaw sina nanay Lita at ang kanyang asawa. Meron ding karaoke at mga alak. Ang saya-saya! Na-excite ako ng makita ko 'yon. Maka-kanta nga mamaya. Lahat sila ay mabilis kong naging kasundo. Magiliw sila kasama. Lalo na ang may birthday na si tatay Kado. Mahilig siyang magbato ng jokes. Nagustuhan niya rin ang lasagna na ginawa ko para sa kanya. Ayaw niya pang i-share kaya natuwa ako. Sigurado ako na babalik ako rito kapag may okasyon ulit. Sino kaya ang sunod na magbi-birthday sa kanila?

"Hey," Tumabi bigla sa'kin si Richard. May hawak siyang beer. Naka-upo lang ako rito sa tabi. Ayaw kasi nila akong payagan na tumulong dahil ngayon na lang daw ako makakapag-pahinga. Hindi na lang ako umangal dahil busog na busog ako sa kinain ko. Ang sarap ng mga niluto ni nanay Lita. "Are you okay? Pasensya ka na kung medyo makukulit sila at ma-ingay." Tinamaan ako sa sinabi niya. Naku, kung alam niya lang. Nahihiya pa nga ako sa lagay na 'to eh. Tumingin ako sa kanya. Seaman pala itong si Richard at ka-uuwi niya lang. Only child rin siya. Tahimik at gentleman din.

Ngumiti ako sa kanya.

"Naku, hindi ah. Ayos lang. Ang saya nga eh. Buti na lang at nakilala ko kayo. May kakilala na ako rito sa subdivision." Sabay tawa ko. Tumango lang siya sa'kin sabay pakita ng dimples niya.

"I see. By the way, kay Thomas Álvarez ka raw nagta-trabaho?"

"Oo," Umayos ako ng upo. Pansin ko lang na curious sila sa amo ko. Kanina ay sunod-sunod ang tanong nila sa'kin. Pero syempre, iyong maganda ang sinabi ko. Alam naman nila na distant na tao si Thomas. "Bakit?" Sabay tanong ko.

"I'm quite shocked. Parang hindi bagay sa'yo ang maging kasambahay," Tumingin siya sa'kin. "Do you love your job?"

"Oo, naman. Dalawang taon na 'kong nagta-trabaho sa kanya. Tsaka, sanay na ako sa ugali ni Thomas. Mabuti nga at hindi siya nagsasawa sa kakulitan ko." Tumango-tango siya sa sagot ko sabay tungga sa bote na hawak niya. Napansin niyang nakatingin ako kaya inalok niya 'ko.

"Gusto mo? Ikukuha kita. Hindi naman 'to masyado nakakalasing. Light lang."

Isang beses pa lang akong naka-inom. Iyon ay noong birthday ni ate Anna. Nakakaloka nga ang gabing 'yon. Kung todo party kami tapos naaksidente pala si sir Nick. Ang nakaka-gulat pa, nagpakita pa si sir kay ate Anna. Nakakaloka, hindi ba? Akala ko talaga pa-fairytale na ang story nila pero biglang naging horror ng slight.

"Sige. Isa lang, ha? Malalagot kasi ako kay Thomas." Natawa siya bago siya tumayo para ikuha ako ng beer. Ilang saglit pa ay umupo na siya ulit sa tabi ko. Ininom ko agad ang beer pagka-bigay niya. Masarap pa naman 'to kapag sobrang lamig.

"May boyfriend ka na?" Nasamid ako sa tanong niya. Tinapik-tapik niya ang likod ko habang panay ang ubo ko. Naku, Richard! Napatingin naman sa'min sina nanay Lita at tinanong kung ayos lang ba raw ako. Nag-thumbs up lang ako sa kanila. Busy sila sa pag-iihaw. Maya-maya lang ay magsisimula na raw kami.

"I'm sorry. Nabigla yata kita sa tanong ko." Pinunasan ko ng tissue ang bibig ko.

"O–Okay lang. Ganito talaga ako minsan kapag nagugulat."

"Your face is red." Puna niya. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang camera. Sobrang pula nga ng mukha ko. Marahil ay dahil sa pagkaka-ubo ko.

"Mawawala rin 'to," Ibinalik ko ang cellphone sa bag. Nagdesisyon ako na ilugay na lang ang buhok ko. Naging wavy 'yon dahil sa pagkakatali ko. Inayos ko lang ng ka-unti tsaka ko ulit nilingon si Richard. Pansin kong titig na titig siya sa'kin. Parang amuse na amuse siya sa nakikita niya. Tumikhim ako at uminom ng beer.

"You're cute, Mina." Muntik na naman akong masamid. Mabuti na lang at hindi.

Alanganin akong ngumiti sa kanya. Nahiya tuloy ako bigla. Kanina ko pa napapansin na panay ang titig niya sa'kin. O kaya naman, hindi siya humihiwalay kahit saan pa ako magpunta. Hindi naman ako naiirita kasi sobrang bait niya. Buti nga at hindi siya nasunod sa'kin kapag napunta ako sa CR. Crush siguro ako nito ni Richard. Obvious siya masyado eh. Kunwari ay hindi ko na lang alam.

"S–Salamat. Natutuwa ka lang siguro sa buhok ko, Chad. Wavy kasi siya ngayon, hahahaha." Ngumiti siya.

"Yeah... Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Ano nga ulit 'yon?"

Kunwari bingi.

"Do you have a boyfriend?" Hindi ko muna siya sinagot. Mga 10 seconds.

"Wala," Sagot ko.

Para siyang biglang nakahinga ng maluwag. Parang siya 'yong nasa commercial na lalaki na may heart burn. Ano nga ulit 'yong commercial na 'yon? Ah, basta 'yon!

"Nice." Tumikhim siya. "If ever, ready ka na bang magka-boyfriend?" Nag-iwas ako ng tingin.

Ready ako pero hindi sa ibang lalaki. Si Thomas lang ang gusto ko. Kaso, may girlfriend na siya. Hays! Napa-buga tuloy ako ng hangin.

"It's okay–"

"Mga anak, tara na rito at magsisimula na tayo!" Tawag sa'min ni nanay Lita. Ako naman ang nakahinga ng maluwag!

Nanay Lita, you're my saviour!

Tumayo na kaming dalawa ni Richard at umupo roon sa may silya na may mahabang mesa. Nandoon lahat ang inihaw na manok, baboy at kung ano-ano pa. May desserts din at syempre, ang mga alak. Natakam tuloy ako ulit. Masarap ang beer na binigay sa'kin ni Richard.

"Oh, ito Mina, kumain ka. Baka sakaling tumangkad ka pa." Biro sa'kin ni tatay Kado habang nilalagyan niya ang plato ko ng pagkain. Pinagbuksan niya rin ako ng beer.

Sira na talaga ang diet ko. Next month talaga ako ulit makakapag-workout nito. Sunod-sunod ang kain ko eh.

"Papa talaga." Sabi pa ni Richard. Napapa-iling na lang siya sa mga biro ng papa niya.

Hindi naman ako na-ooffend kasi totoo naman na kinulang ako sa height.

"Salamat po, tay." Sabi ko.

Nilingon ko si nanay Lita habang inaayos niya 'yong karaoke. Parang may hinahanap siya roon. Tumayo ako at tinulungan siya.

"Ako na po ang mag-aayos nito, nay."

"Naku salamat, anak. Medyo malabo na kasi ang mata ko eh kaya hindi ko makita." Tumango lang ako at hinanap ang dapat ayusin. Mabilis lang naman 'yon. Ng tumunog bigla ay napatalon pa ako dahil sa sobrang lakas. Tawang-tawa sa'kin si tatay Kado.

Pagkatapos ay umupo ako ulit. Mamaya na lang siguro ako kakanta. Nakakahiya naman kung ako ang mauuna.

Unang kumanta si tatay Kado. Sunod si Richard. Ang lamig ng boses niya. Marunong pala siyang kumanta. Si nanay Lita naman ang sumunod. Tawa kami ng tawa dahil sinasayawan niya ang asawa niya habang kumakanta. Nakaka-inggit! Ang sweet nilang mag-asawa. Naka-ngiti ako habang nanonood sa kanila. Na-miss ko bigla si mama. Sabi nila, namana ko raw ang pagka-jolly niya. Pati rin ang cute niyang mukha. Pero ang height ko, kay papa. Si kuya Matthew ang naka-mana sa height ni mama. Hindi ko ma-iwasang malungkot at masaktan. Kung hindi sana sumama sa ibang babae si papa, baka masaya kami ngayon.

Tinungga ko ang bote ng beer. Na-ubos ko 'yon agad. Nakita kong napatingin sa'kin si Richard.

"Easy, baka malasing ka."

"Hindi naman 'to nakakalasing agad hindi ba?" Tumango siya.

"Yeah... Pero kapag nakarami ka ng bote ay tiyak na tatamaan ka. Kaya dahan-dahan lang." Umiling ako.

"Ayos lang 'yan. Gusto ko pa," Kumuha ako ulit ng isa pa.

"Are you sure? Uuwi ka pa mamaya–" Tinapik ko ang braso niya.

"Ano ka ba, Chad. Kaya kong umuwi."

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon