CHAPTER 10

2.1K 96 14
                                    

🌹🚬

MINA

"Who is that?" Kunot noo na tanong sakin ni Thomas.

Napalunok ako habang hawak-hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko. Pakiramdam ko, bigla akong nilamig.

"A–Ah... Baka nanti-trip lang! Kanina pa nga 'to tawag ng tawag." Palusot ko.

Tumingin lang siya sakin at hindi na nagsalita pa. Alam ko naman na wala siyang pakialam sa mga nangyayari sakin kahit na matanong siya minsan.

Ibinulsa ko ang cellphone ko at kinuha ulit ang ice pack tsaka muling nanood. Tahimik lang kaming dalawa habang ako naman ay panay silip sa kanya. Seryoso at diretso lang ang kanyang tingin sa tv.

"G–Gusto mo bang ilipat ko ng channel?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ko sinagot kaya napa-nguso ako.

Sumandal na lang ako at tahimik na nanood.

Akala ko ba ayaw niya sa pinapanood ko? Bakit kaya wala siyang reklamo ngayon?

Nasa ganoon akong pag-iisip ng may maalala ako. Oo nga pala! May binili akong popcorn kanina!

Tumayo ako bigla at dumiretso sa kusina dala-dala ang ice pack. Iniwan ko siya roon sa sala.

Kinuha ko mula sa cabinet ang popcorn na binili ko. Ang boring kasi eh. Wala man lang kaming kinakain habang nanonood. Ang sama pa naman ng tingin ni Thomas sa tv. Baka mamaya eh, ako ang kainin niya!

Kumuha ako ng 2 paperbag at nilagyan iyon ng kernels tsaka ko ipinasok sa microwave oven. Habang naghihintay ako ay sinilip ko si Thomas. Nakita ko siyang nanonood pa rin pero iba na ang channel. Parang documentary yata ang pinapanood niya. Pagkatapos ko siyang silipin, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa para tingnan kung may tumawag ulit sakin. Walang tawag, pero may dalawa akong text na natanggap. Binuksan ko iyon.

From: 09xxxxxxxxx

Have you already asked him for money?

From: 09xxxxxxxxx

Why aren't you answering? I need your reply now.

Napalunok ako bago ako mag-reply kay kuya Matthew.

Reply: Nakahingi na ako ng pera kuya. Bukas pwede mo ng makuha.

Pinikit ko pa ang mga mata ko bago ko iyon i-send sa kanya. Ilang saglit pa ay nag-reply rin agad siya.

From: 09xxxxxxxxx

Good. I'll meet you tomorrow. Ise-send ko sa iyo ang location.

Reply: Oo kuya.

From: 09xxxxxxxx

I'll expect you tomorrow. When you don't show up, you know what will happen.

Napalunok ako ulit. Hindi na ako nag-reply sa kanya dahil lalo akong natatakot sa mga susunod pa niyang sasabihin.

Ini-off ko ang cellphone ko at binalikan ang popcorn na niluluto ko. Pagkatapos ay isinalin ko iyon sa bowl at dinala sa sala kung nasaan kami ni Thomas.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon