CHAPTER 15

1.9K 95 3
                                    

🌹🚬

MINA

Panay ang bulong ko habang tulak-tulak ko ang cart. Paano kasi, balot na balot ako. Kung kanina, naka-sumbrero lang ako at may leather jacket sa bewang, ngayon, naka-face mask na rin ako!

Huminto ako sa estante ng mga shampoo at conditioner. Lalo akong nabadtrip ng makita kong masyadong mataas ang pinaglalagyan ng mga mamahalin na bottled shampoo. Iyong mga naka-sachet lang ang abot ko. Sinilip ko si Thomas na busy na naman sa pagsi-cellphone. Naka-sunod lang siya sakin kanina pa. Ibinalik ko ulit ang tingin ko roon sa bottled shampoos na napaka-taas. Kung bakit ba naman kasi hindi ko pa abot! Noong nakaraan naman, hindi ganito ka-taas ah!

At dahil badtrip ako sa kasama ko, kinuha ko na lang 'yong mga naka-sachet. Marami ang kinuha ko. 'Yong aabot ng isang buwan. Tinulak ko na ulit ang cart.

"What is that?" Napatigil ako.

"Ang alin?" Walang lingon na sagot ko kay Thomas. Lumakad siya palapit sakin kaya nasa tabi ko na siya.

"Sachets? Kailan pa 'ko nagpabili sa'yo ng mga ganyan? The last time you bought these puro kalat sa cr." 

"Mas mura 'yan." Tinulak ko ulit ang cart. Dumampot naman ako ng conditioner.

"What?" Sumunod ulit siya sakin. Hindi ko siya pinansin at binasa na lang ang mga naka-sulat sa listahan. Medyo marami pa kaming kulang.

"Mina," Nilingon ko si Thomas.

"Bakit?"

"You didn't answer my question."

"Ano ba 'yon?"

"Tsk." Inagaw niya sakin ang cart at siya na ang nagtulak. Na-iwan ako habang hawak-hawak ang listahan. Sumunod naman ako agad sa kanya.

"Ito pa yung mga kulang–"

"We don't need that."

"Bakit?" Tumigil siya saglit at tumingin sakin.

"Really? You're asking me? You're already doing this for 2 years yet you still have not memorized all of this?" Napayuko ako sa tanong niya.

"Sorry. Ang dami kasi eh." Sabi ko.

Mahina talaga ako sa memorization. Medyo mabilis rin ako makalimot minsan lalo na kapag marami akong ginagawa. Muntik ko na nga makalimutan ang birthday ni Tomi.

"Tsk. You should start memorizing. That's your assignment." Kumuha siya ng limang Nutella.

"Seryoso ka ba, Thomas? Eh pa-iba iba minsan 'tong nasa listahan mo eh." Sabi ko.

"I don't care." Napa-nguso ako.

"Sungit." Bulong ko.

Nakita kong tumingin pa siya sakin. Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang sa kanya. Naka-tingin lang ako sa likod niya habang nauuna siyang maglakad sakin at siya na ang namimili. Hindi na ako umangal kasi mas matangkad siya sakin. Mas abot niya yung iba. Pinagmasdan ko kung gaano kataas si Thomas. Hapit na hapit sa kanya ang white na t-shirt. Malapad kasi ang likod niya at medyo malalaki ang braso niya dahil sa batak niyang workout. Ang ganda pa ng tindig niya. Hays...

Sana ganyan rin si Tomi kapag nasa ganyang edad na siya.

Wala sa sarili na napa-ngiti ako kapag na-iisip ko 'yon. Sure ako na sobrang gwapo ni Tomi ko paglaki niya! 5 years old pa nga lang siya pero kitang-kita mo na. Sana lang talaga ay lumaki siyang mabuti at may takot sa diyos. Alam kong maganda ang ktinuturo sa kanya ni sister Cecilia.

Lies & Fall Onde as histórias ganham vida. Descobre agora