CHAPTER 23

1.8K 84 6
                                    

🌹🚬

MINA

Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay dilat na dilat na 'ko. Dapat sana ay magri-reply ako roon sa nag-text sa'kin kagabi pero nakatulog ako. Bahala siya. Baka naligaw lang. Ginawa ko ang morning routine ko bago ako lumabas para ipaghanda na ng almusal si Thomas. Nagdesisyon ako na hindi na makikipag-laro sa kanya ng hide and seek. Kung trip niya 'ko, eh 'di go.

Go lang ng go!

Natawa ako sa kalokohan ko.

Nagtimpla ako ng kape pagkatapos kong ilagay ang bigas sa rice cooker. Sumandal ako sa sink habang hinihipan ko ang ma-init init ko pang 3 in 1.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pagbaba ni Thomas. Aba, ang aga rin nagising ah. Muntik ko ng mabuga ang kape ko ng makita ko siya. Grabe! Sobra na talaga ang kakisigan ni Thomas! Parang konting workout pa niya ay puputok na ang mga braso niya. Tusukin ko kaya ng karayom?

"Why are you staring?" Napa-tuwid ako ng tayo at ibinaba ang mug ko.

"Good morning, ninja–Thomas pala hehehe. Ano gusto mo? Milo or coffee?" Tumingin lang siya sa'kin bago siya umupo sa silya.

"Coffee,"

"Sige." Tumalikod ako at ipinagtimpla siya ng kape. Niligon ko siya saglit. Nagulat ako ng makita ko siyang naka-yuko. Naku, nakatulog yata!

"Thomas?" Tinapik ko siya.

"Hmm?"

"Antok ka pa ba? Ito na ang kape mo, oh. Baka lumamig 'yan." Umupo ako sa tapat niya at ininom ang kape ko.

Inangat niya ang ulo niya sabay hikab.

Jusko kahit pag-hikab ang gwapo! Ang ganda naman ng view ko.

Napa-inom ako ulit sa kape ko.

"Bakit ang aga mo yata nagising? Halatang antok ka pa eh."

"I slept late." Kinuha niya ang mug niya sabay higop ng kape.

"Bakit?"

"Nothing,"

"O–Okay..." Tumingin siya sa'kin. Ibinaba niya ang mug sabay sandal sa silya.

Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa'kin.

"Bakit... ganyan ka makatitig sa'kin?"

"May muta ka pa." Na-ibaba ko bigla ang mug ko at kinapa ang dalawang mata ko. Wala naman akong muta ah! Naghilamos kaya ako kanina!

"Wala naman!" Sabay nguso ko. "Trip mo na naman ako." May naalala tuloy ako bigla.

"Thomas," Tawag ko sa kanya.

"Why?"

"May ipapabasa ako sayo," Kumunot ang noo niya.

"What?"

"Ito oh," Dinukot ko ang cellphone sa bulsa sabay inabot ko sa kanya. "Basahin mo. Ano kayang ibig-sabihin niyan? Hindi ko kasi alam eh. Ayoko i-google. Baka mamaya death threat pala 'yan. Nakakatakot." Hinawakan ko pa ang braso at umaktong natatakot talaga.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon