CHAPTER 21

1.8K 93 11
                                    

🌹🚬

MINA

Nakalimutan ko kung paano huminga dahil sa sinabi ni Thomas. Hindi dahil 'di ko naintindihan, pero gulat na gulat talaga 'ko. Bakit ba ganito siya? Hindi ko na tuloy maintindihan ang kinikilos niya. Bipolar yata 'tong amo ko!

At teka, ano raw? Flawless ang legs ko?

Napatingin tuloy ako sa legs ko.

"You're intentionally doing this, are you?" Dugtong pa niya. Na-itulak ko tuloy siya. Wow, ha! Hindi ko naman sinasadya na makita niya ang hita ko.

"Ano? Hindi ah!" Umiling lang siya. Parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Never mind." Inabot niya ulit sa'kin ang Efficascent oil. Kinuha ko naman 'yon agad sa kanya. Mahirap na at baka marami na naman siyang sabihin sa'kin. Kahit may parte sa'kin na nanghihinayang dahil akala ko ay siya ang maghihilot sa'kin. Tsk, pinaaasa na naman ako nito ni Thomas.

"I'll be the one who will cook tonight. Kung ikaw pa ang aasahan ko, baka madaling araw ka na matapos dahil diyan." Tukoy niya sa masakit kong balakang. Parang biglang um-okay ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na rin pinansin ang pang-aasar niya sa'kin na baka abutin ako hanggang madaling araw. Hindi ako makapaniwala na siya ang magluluto ngayon para sa'kin–I mean, para sa'min pala. Na-excite tuloy ako kumain. Hindi ko na lang pinahalata sa kanya.

"Sige, sir. Pasensya ka na..." Sabi ko. Humawak ako ulit sa balakang ko para mas convincing. Baka kapag nakita niya 'kong ngumiti, bigla pang magbago ang isip niya.

"Alright." 'Yon lang ang sinabi niya bago siya lumabas.

Pagka-alis niya, tumili ako. Iyong mahina lang habang hawak-hawak ang Efficascent oil. Hinalikan ko pa dahil kagat niya 'to kanina. Wala na akong paki-alam kung may bakas pa 'to ng laway niya.

Si Thomas na 'to, ano! Never akong mandidiri sa kanya!

Napahagikgik ako.

🌹🚬

Ang bango!

Pasinghot-singhot ako habang hawak ang balakang ko habang naglalakad palapit sa may kusina. Amoy na amoy ko ang niluluto ni Thomas. Nagutom ako bigla.

Ano kayang niluluto niya? Naku, sigurado ako na hindi ko 'yon alam!

Naabutan ko si Thomas na nakatalikod habang abala siya sa niluluto niya. Kinikilig na naman ako sa nakikita ko. Ang hot niya tingnan sa soot niyang black apron. Nagfi-flex pa ang muscle niya kapag nagalaw siya. Hindi niya pa ako napapansin dahil masyado siyang busy. Nakita kong wala pang plato at mga kubyertos sa mesa kaya ako na ang kumuha. Doon niya lang ako napansin.

"Ako na rito, " Sabay ngiti ko. Tahimik kong inayos ang mesa kahit sobrang bagal kong kumilos. Na-una pa nga 'yong niluto niya. Pagkatapos ay nag-hugas na ako ng kamay at umupo sa tapat niya. Pinagmasdan ko 'yong niluto niya. Para siyang kanin na may gulay-gulay na di mo malaman. Pero mukhang masarap. Para kaming nasa restaurant. Ang ganda ng plating eh. May pa-garnish din.

"Wow!" Inilapit ko ang mukha ko sa niluto niya. Pumikit ako at inamoy 'yon.

"What are you doing–"

"Ang bango! Mukhang masarap 'to sir, ah!" Sabay ngisi ko sa kanya. Hindi ko pa natitikman ang luto ni Thomas. Never ko rin siyang nakita na nagluto. Kaya nga lagi siyang nasa mansyon noon dahil walang nag-aasikaso sa kanya. Bigla tuloy akong nalungkot.

Lies & Fall Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora