CHAPTER 34

2K 80 14
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

"Bakit maaga ka ngayon?" Tanong sa'kin ni kuya Matthew pagkarating niya.

Magkasama kami rito sa condo. Nagtataka pa nga rin ako hanggang ngayon kung ano ba talagang trabaho niya at kung paano siya nakakakuha ng malaking pera. Sa ganda at laki ng condo na ito, alam kong milyon ang bili niya. Tapos palipat-lipat kami minsan. 2-3 months lang ang itinatagal namin minsan sa condo kaya naloloka na ako sa address namin. Hindi ko naman siya magawang tanungin kasi hindi niya naman ako sinasagot. Nagagalit pa siya minsan kapag kinukulit ko siya. Dagdag pa riyan na sa mamahalin ako pumapasok. Noong high school ako, sa isang exclusive school for girls ako ini-enroll ni kuya Mathew. Tapos ngayon naman, sa Charter Monarch College.

"Exam week namin kuya," Sagot ko habang naka-upo rito sa may modular sofa. Busy ako sa panonood ng movie. Nag-order din ako ng pizza at kung ano-ano pa dahil alam kong uuwi na siya. Kinuha ko ang isang box at inabot sa kanya. "Kuya oh, nag-order ako ng para sa'yo tapos ito rin," Sabay abot ko naman sa kanya ng drinks. Tinanggap naman niya.

Susubo na sana ako ng pizza ng pansinin niya ako.

"Damn. You ate all of that?" Sabay turo niya sa dalawang regular box ng pizza at chips na wala ng laman.

Napanguso ako.

"Kuya naman eh!" Napa-iling lang siya.

Wow, good mood.

"By the way, how's your exam?" Tanong niya. Kumagat muna ako sa pizza na hawak ko bago ako sumagot.

"Okay naman kuya."

"That's good. After you got your scores, alam mo na ang gagawin." Tumango lang ako sa kanya habang naka-focus ako sa pinapanood ko.

Ilang saglit pa ay pumasok na siya sa loob ng kuwarto niya dala-dala ang pagkain.

Napahinga ako ng malalim pagkaalis niya. Sana ay mataas ang exam scores ko. Kahit hindi na sobrang taas, basta pasado. Nagagalit kasi siya kapag may bagsak ako. Parang siya ang nag-aaral at hindi ako. Kung maka-demand kasi itong si kuya ng grades akala mo siya ang na-iistress eh. First year college pa lang ako pero sobrang taas na ng expectation niya sa'kin. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero kasi minsan ay nakakasakal na. Oo nga at siya ang nagpapa-aral at bumubuhay sa'kin, pero sobra na ang pagiging strikto niya pagdating sa pag-aaral ko. Hindi naman ako nagbubulakbol eh. Tsaka napapansin ko na habang tumatagal, palala na ng palala ang ugali niya. Kung noong maliit pa ako ay tolerable pa, madalas ay hindi na. Gusto ko na siya minsan ipatingin ulit sa psychiatrist niya. Anti-social psychopath daw si kuya ayon sa mga tumingin sa kanya. Maliit pa ako noon kaya wala kong ideya sa sinasabi nila. Pero ngayong may isip na ako, kailangan ko siyang bantayan at pigilan. Kaya nga hindi ako nagawa ng bagay na alam kong ikagagalit niya ng husto. Pasalamat pa rin ako at hindi niya ako nasasaktan ng pisikal. Mabuti na lang talaga at nabilhan ko siya ng foods ngayon.

Mabilis kong inubos ang pizza ko sabay subo ng burger. Napa-stress eating tuloy ako dahil kay kuya Matthew. Naku, kailangan ko ng mag-review!

Pinatay ko ang tv at pumasok sa loob ng kuwarto ko. Magkatabi lang kami ng silid ni kuya. Parehong soundproof ito. May balcony rin ang silid namin kaya kapag naaabutan niya ako minsan na nakatambay at gising pa ay sinasabihan niya 'ko. Kaya nga kapag gabi at gusto kong magpahangin o kaya tingnan ang night view, sinisilip ko muna kung nasa labas din siya. Kapag ganoon, hihintayin ko muna siyang umalis bago ako. Madalas kasi ay sa may balcony niya siya naninigarilyo.

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon