CHAPTER 69

2.1K 95 5
                                    

🌹🚬

MINA

"How long will you ignore me? This is the second day. F*ck. I can't focus on my work." Sabi ni Thomas habang narito kami sa loob ng kuwarto niya. Nakatalikod ako ng higa at hindi siya pinapansin. Paano kasi, inamin niya sa'kin na matagal na palang may alam si Ate Anna at Sir Nick tungkol kay Tomi. Pinag-mukha niya 'kong tanga. Kahit nga sa paghatid niya sa'kin sa school hindi ko siya kinakausap. Mahal ko siya pero na-iinis ako sa kanya ngayon.

"Mina–alright, I'm sorry. I will not keep a secret from you anymore. Just talk to me." Hindi ako umimik. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwari na tulog. Pinakikiramdaman ko siya.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Sumuko na yata ang loko. Tsk! Hindi talaga siya marunong manuyo! Ano? Ako na lang lagi?

Bahala siya riyan!

The next day, hindi ko pa rin siya pinapansin. Na-una ako sa kanyang umalis ng bahay. Final exam ko na rin kasi kaya kailangan kong mag-maaga. Nasanay na rin akong pumasok ng madaling araw.

"Congratulations, Mina! Ikaw na naman ang highest." Sabi ng Professor ko pagka-abot niya sa'kin ng papel.

"Thank you po."

"You're welcome. Keep it up, dear." Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik na sa upuan ko. Hindi naman ako nahirapan simula ng mag-aral ulit ako. Nagkaroon na rin ako ng ilang kaibigan dito sa school. Pero dahil busy ako lagi, hindi ako nakakasama sa mga gala nila. Naiintindihan naman nila dahil alam nilang may anak na 'ko at striktong boyfriend.

Pagkatapos ng klase ko ay nag-abang ako ng taxi na masasakyan. Nag-text ako kay Thomas na huwag akong sunduin. At tinotoo nga niya, bwisit. Ngayon lang naman kami nagkaganito.

"Where's your boyfriend?" Napatalon ako ng may magsalita. Si Jackson pala. I mean, si Jack. Isa pa 'to. Hindi umamin na siya pala 'yong dati kong kaibigan na nerd. Kaya pala iba ang tinginan niya sa'kin ng magpunta ako sa tenement noon para ibigay ang pera sa kapatid ko. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkakakampi pala sila ni Thomas.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Magka-away kami." Sagot ko.

"Oh, that's why you're frowning." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin habang nakatitig lang ako sa kalsada. Ilang taxi na nga ang nakalagpas pero hindi pa rin ako nakasakay. Ayoko namang maging bastos kasi kausap niya 'ko. Bakit kaya siya narito?

"Pansinin mo na siya. Baka mabaliw 'yon." Napatingin ako ulit sa kanya. Sobrang laki ng pinag-bago niya. Though tahimik pa rin siya at misteryoso. Sabi sa'kin ni Everett, nagka-gusto raw itong si Jack sa'kin. Hindi na 'ko nagulat dahil napapansin ko na 'yon noong magkaklase pa kami. Iba kasi ang mga tinginan niya noon sa'kin. Hanggang ngayon kaya, crush niya pa rin ako?

Naku, huwag naman na sana!

Tumikhim ako at lumunok.

"Jack?"

"Why?"

"M–May itatanong lang ako. Okay lang ba?"

"What is it?" Humarap ako sa kanya.

"May... crush ka pa rin ba sa'kin?" Napa-ubo siya bigla at namula ang mukha.

Lies & Fall Where stories live. Discover now