CHAPTER 40

2K 85 17
                                    

🌹🚬

Flashback will continue till it ends. ✍🏻
#TeamFlashbackMunaWins 🎉

MINA

CONTINUATION

Kumunot ang noo ko pagkapasok ko sa classroom namin. Lahat kasi ng mga kaklase ko ay nagbubulungan at ang iba ay kinikilig. Napansin ko rin na puro nasa unahan na ang mga babae. Teka, anong mayroon? Binago na ba ang seating arrangements?

Lumapit ako sa isa kong kaklase na lalaki na naka-upo sa gilid.

"Uhm, hi!" Kumaway ako sa kanya. Inalis niya ang nakasalpak na earphones sa tenga niya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Yes?"

"Nabago na ba ang seating arrangement?" Tanong ko.

"Hindi."

"Ah, ganoon ba..." Tiningan ko ulit 'yung mga kaklase kong babae na naka-upo na sa unahan.

"Wala si Ms. Bautista ngayon. May substitute muna kaya kahit saan pwedeng umupo." Napatingin ako ulit sa kanya.

"Substitute? Sino?" Nagkibit-balikat lang siya at sinalpak ulit ang earphones sa tenga niya. Napanguso na lang ako at naghanap ng bakanteng upuan sa may likod.

Dalawang buwan na ang nakalipas at nakaalis na si Diane. Sunod-sunod ang naging lakad namin bago sila lumipad papunta sa Canada. Naging matamlay ako dahil wala na akong kasama. Diretso uwi na ako agad palagi pagkatapos ng klase ko. Miss ko na agad siya. Wala na nga akong balita kay Thomas dahil naging busy rin ako. Nakalimutan ko na ang pagiging fan girl ko.

"Hi..." Napakurap ako ng may magsalita sa harapan ko. Nag-angat ako sa kanya ng tingin.

Siya 'yung irregular na nerd ah? Ano kayang pangalan niya?

Inayos niya ang salamin sa mata.

"May I... sit here?" Sabay turo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Oo naman! Upo ka na." Inalis ko ang bag ko at ibinaba 'yon sa sahig. Ngumiti muna siya sa'kin bago siya umupo. Umusog ako ng ka-unti para magka-space siya.

"Thank you..." Sabi niya.

"Welcome!" Sabay ngiti ko. Yumuko ako para buksan ang bag ko. Kinuha ko ang binder at ball pen ko. Pagkatapos ay umupo lang ako habang pinapanood ang mga kaklase ko na may kanya-kanyang mundo. Curious lang talaga ako kung sino ang substitute ngayon. Kasi naman, dapat pina-uwi na lang kami eh. O kaya, pinag-attendance. Nagugutom pa naman ako.

Sinilip ko ang relo ko. May 15 minutes pa bago mag-simula ang klase. Tumayo ako at lumabas ng room para bumili ng pagkain sa canteen. Pagkarating ko ay medyo mahaba ang pila. Napakamot ako sa ulo.

Di bale na! Gutom na talaga 'ko!

Isang Dutch Mill, Banana Cake at malaking Chips ang binili ko. Pagkatapos ay dali-dali akong bumalik sa classroom. Pero natigilan ako ng makita kong sarado at naka-lock na ang pinto. Sinilip ko sila sa loob. May konting glass panel ang pinto ng bawat room namin dito sa building. Ang potek, bakit ni-lock?! Hindi naman ganito ah! Kumatok ako at pinihit ang doorknob. Tiningnan ko kung sino ang professor sa loob. Wala akong makita kaya kumatok ako. Yakap-yakap ko pa ang mga pagkain na binili ko.

Lies & Fall Where stories live. Discover now