CHAPTER 57

1.6K 68 0
                                    

🌹🚬

MINA

"You go first." Sabi sa'kin ni Thomas pagkapasok namin sa mansyon.

"Okay." Lumapit ako sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa kanang pisngi.

"Mina," Tinawanan ko lang siya tsaka ako bumaba ng sasakyan.

Excited akong pumasok sa loob ng mansyon. Hindi na ako kumatok at dire-diretsong pumasok sa loob. Saktong pagpasok ko ay naabutan ko si Ate Anna at ang kambal na bumababa sa hagdan. Naka-bistida siya na kulay puti. Naka-lugay rin ang mahaba at wavy niyang buhok. Grabe, para talaga siyang anghel na galing sa langit. Sobrang puti niya kasi. Tapos parang blooming siya lalo ngayon. Hindi niya pa ako napapansin dahil hawak-hawak niya sa magkabilang kamay ang kambal. Inaalalayan niya ang dalawa dahil patalon ang mga ito kung bumaba sa hagdan.

"Be careful, Casper!" Sabi ni Ate Anna. Natawa ako kaya napansin na nila ako.

"Mina!" Masayang bati sa'kin ni Ate Anna.

"Tita Mina!" Sigaw naman ni Casper kulit. Naka-white t-shirt ang dalawa at dahil kambal sila, magkatulad ang soot nila. Niyakap ako ni Ate Anna pagkababa nila. Si Casper naman ay nakisali rin sa yakapan. Sa bewang ko siya nakayakap. Samantalang ang kakambal nito ay nakatayo lang at nakatingin sa'min.

Bumitaw na sa'kin si Ate Anna pero si Casper ay nakayakap pa rin. Na-miss niya siguro ako. Kinurot ko ang mapula nitong pisngi.

"Kamusta ka? Na-miss kita! Teka, hinatid ka ba ni Thomas? Sabi ko isabay ka niya eh." Feeling ko ay namumula na naman ang mukha ko ng banggitin niya ang pangalan ng boyfriend ko. Naks! Kinikilig tuloy ako. Kaso, hindi ko pa pwedeng ipaalam sa kanila ang tunay na relasyon namin ngayon ni Thomas.

"Hinatid niya ako ate," Sabay ngiti ko. "Na-una lang akong pumasok dito sa loob."

"Mabuti naman kung ganoon." Nilingon ni ate Anna si Jasper at hinila palapit sa pwesto namin. "Jasper, say hi. Nandito si Tita oh." Yumuko ako ng kaunti at kumaway.

"Hi, Jasper! Ang pogi natin ah!" Ginulo ko ng kaunti ang buhok niya. Hindi naman siya nag-sungit sa'kin kaya ang saya ko.

"Thanks." Tipid na sagot nito sa'kin.

"Naku, pagpasensyahan mo na ang isang ito ha? Alam mo naman." Natawa na lang ako.

"Hoy Casper, bitaw na. Nagugusot na ang dress ni tita Mina mo." Sita ni Ate Anna sa isa.

Niyakap ko si Casper pabalik. Sa dalawang magkapatid, ito talaga ang sweet at showy. Kung may pagkaka-pareho man ang dalawa, iyon ay ang pagiging matalino. Mabait din naman si Jasper, pero mas mabait pa rin talaga si Casper. Wala naman akong problema sa dalawa. Pareho ko silang gusto at kinatutuwaan. Pero syempre, nanguguna pa rin ang baby Tomi ko. Hay... miss na miss ko na agad siya.

"Oh, bakit? May problema ba?" Tanong sa'kin ni Ate Anna ng mapansin niya ang pagiging malungkot ko.

Umiling ako tsaka ngumiti.

"Wala naman ate. May na-miss lang ako." Tumaas baba ang kilay niya sabay sundot sa bewang ko.

"Asus! Puntahan mo na kasi ang Prince Charming mo." Tukso sa'kin ni ate Anna.

Lies & Fall Where stories live. Discover now