CHAPTER 45

1.8K 82 26
                                    

🌹🚬

MINA

CONTINUATION

Hindi ko alam ang gagawin. Parang gusto ko na tuloy bitawan si Thomas at tumakbo paalis. Ang kaso, hindi ko 'yon pwedeng gawin sa kanya. Kaya nga ako nasa ganitong sitwasyon ay para iligtas siya.

Humigpit ang hawak ko sa bewang ni Thomas. Sinilip ko siya. Nakapikit na ito at parang nanghihina. Ano bang nangyari? Bakit parang sobrang nalasing naman yata siya?

"I'm talking to you, Miss." Napatalon ako ng marinig ko ang boses ni Kuya. Jusko! Ano ng gagawin ko? Ilang hakbang na lang sana ay nasa sasakyan na kami ni Thomas.

Tumikhim ako at iniba ang boses ko.

"W–We need to go home... he's drunk..." Akala ko ay pipiyok na ako dahil sa sobrang kaba.

"Really? Sa'min mo na lang siya ibigay. Kami na lang ang maghahatid sa kanya–"

"Hindi!" Tumaas ang tono ng boses ko. Napapikit ako dahil baka makilala ni Kuya ang boses ko. Jusko, huwag naman sana!

Nataranta ako ng marinig ko ang paghakbang palapit ni Kuya sa puwesto namin.

"Who are you?" Tanong niya.

"Eh ikaw?"

"You don't need to know. Ibigay mo na lang siya sa'kin. I'm his friend–"

"U-Uuwi na kami. May klase pa siya bukas, bawal siyang ma-late." Sabi ko.

"I know. But I need to talk to him."

Sinungaling.

Biglang nag-iba ang mood ko. Hindi ko akalain na ganito pala ang ginagawa niya. Ang manakit ng ibang tao.

"Sorry, but we need to go home." Sabay lakad namin.

Ngunit bago pa man kami maka-alis ay hinila ni Kuya si Thomas mula sa'kin.

"Huwag, Kuya!" Napatakip ako sa bibig ko.

Lagot!

Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko sabay nanlisik ng makilala niya ako.

"What the f*ck are you doing here, Mina?! At bakit ganyan ang ayos mo?!" Galit na tanong niya.

Imbes na sagutin ko siya ay nilapitan ko si Thomas.

"T*ngina! Anong ibig-sabihin nito, huh?! Are you..." Hinila ko mula sa kanya si Thomas at niyakap.

"Don't hurt him, Kuya! Please!" Sobrang sama ng tingin niya sa'min ng kasama ko. Galit na galit siya.

"Bitawan mo siya, Mina! You don't know him!"

"Alam ko, Kuya! Alam ko na lahat! Alam ko ang mga plano mo! Bakit?"

"Ibigay mo siya sa'kin, Mina! And go home! Mag-uusap tayo."

Lies & Fall Where stories live. Discover now