EPILOGUE

3K 118 17
                                    

🌹🚬

MINA

After 3 years...

"Congratulations!"

"Congratulations, Mina!"

"Congrats!" Sunod-sunod na bati nila sa'kin. Katatapos lang ng graduation ceremony. Lahat ng mga malalapit sa'kin ay present ngayon.

"Ang taray, Cum Laude!" Sabi sa'kin ni Ate Ligaya. Humalik siya sa pisngi ko.

"Thank you, Ate Ligaya! Mag-asawa ka na!" Sabi ko. Nagtawanan sila.

Sunod na lumapit sa'kin si Tomi. He's now eight years old. At sobrang gwapo. Grade 3 na siya ngayon.

"Congrats, mama! I love you!" Humalik siya sa pisngi ko. Matangkad siyang bata kaya hindi na 'ko yumuko. Sunod na lumapit sa'kin ang kambal, ang super pretty na si Lianna. Humalik rin sila sa pisngi ko. Si Jasper naman, yakap lang. Tapos, sumunod na sina Ate Anna na buhat-buhat ang bunso nila na si Lia.

At syempre, pinaka-huli ang asawa ko. Wala ng charot dahil asawa ko na talaga siya. Last year lang kami kinasal. Hindi siya makapag-hintay kaya umu-oo na 'ko. Sino pa ba 'ko para tumanggi? Thomas na 'yan eh! Tagal ko ring pinangarap na ma-ikasal sa kanya. Akala ko nga, hanggang panaginip na lang ako.

"Congrats, love." Bati niya sa'kin. Niyakap ko agad siya.

"Thank you, hubby ko!" Hinalikan ko siya sa labi. Kilig na kilig naman ang mga nakakita sa'min.

"Ay, jusko ka Mena! Mamaya na yan at nasa paaralan ka pa." Sabi ni Nay Susan. Natawa lang ako sa sinabi niya. Sa ngayon, siya ang tumatayong pangalawang ina ko, sunod si Sister Cecilia. Sayang lang at hindi siya nakapunta ngayon. Nag-send lang siya sa'kin ng greetings niya sa messenger kaya happy na rin ako.

"For you," Inabot sa'kin ni Thomas ang malaking boquet. Halos yakapin ko na sa sobrang laki.

"Thanks!" Inamoy-amoy ko ang bulaklak. Kaso, bigla ko ring binalik sa kanya. Hindi ko kasi nagustuhan ang amoy.

"What's wrong?"

"Ang baho!" Sabi ko habang takip-takip ang ilong ko. Inamoy niya ang bulaklak.

"Bakit?" Tanong ni Ate Lory. Lumapit na siya sa'min.

"She did not like the smell of flowers. But I smell it, and it smells good." Sabi ni Thomas. Ipinasa niya ang bouquet kay Ate Lory. Ewan ko ba. Pero bigla akong nag-selos sa nakita ko. Bakit binigay sa kanya?! Akin 'yon eh!

"Huh? Mabango naman, Mina. This is one of the most fragrant zeniths. These are called Freesia."

Na-guilty naman ako bigla sa inasal ko.

"I'm sorry... H–Hindi ko lang kasi nagustuhan ang amoy. Pero thank you, sa flowers." Hinarap ko si Thomas. Naka-kunot ang noo niya habang tinitingnan ako. "Galit ka ba sa'kin?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.

"No. You're just.... acting weird. Are you okay?"

Tumango ako.

"Oo naman. Mag-picture na tayo, dali!" Hinila ko siya sa tabi ko.

"Say, cheese!"

Lies & Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon